• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez explains breakup with Joao Constancia: ‘Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko.’

Sue Ramirez explains breakup with Joao Constancia: ‘Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko.’

Sue Ramirez, hindi sinasara ang possibility na maging sila uli ni Joao Constancia. Pero sa ngayon, uunahin daw muna niya ang kanyang sarili.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/5/2019 2:08 PM
Sue Ramirez explains breakup with Joao Constancia: ‘Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko.’


Sa Tonight with Boy Abunda, halos maluha si Cuddle Weather star Sue Ramirez sa muling pag-amin niya na break na sila ni BoybandPH member Joao Constancia. “Just recently Tito Boy. Joao and I parted ways po,” ani Sue.

Una na niya itong inamin sa presscon ng parehong pelikula kung saan bibida siya kasama si RK Bagatsing.

READ: Sue Ramirez confirms break up with Boyband PH member Joao Constancia

Two years diumano silang in a relationship ni Joao. “Mahirap siyempre nasanay ka na nandiyan yung tao. Pero ang daming differences kasi Tito Boy. Maraming bagay na hindi kami napagkaksunduan,” paliwanag ni Sue.  

“We really wanted it to work, pero pag hindi po talaga, hindi po talaga e,” dagdag pa ng aktres.  

Nag-uusap pa rin diumano sila ni Joao at walang bad blood na namamagitan sa kanilang dalawa. “Yes Tito Boy, I check up on him, just to see if he’s okay. And that’s how he is to me din. So gusto po namin malaman ng mga tao na hindi kami magkagalit,” sabi ni Sue.

“Kung makikita niyo po kami na magkausap, nagko-converse pa rin kami sa isa’t isa. Nagla-like pa rin kami ng mga post ng isa’t isa, yun po ay dahil maayos po ang naging usapan namin,” giit ni Sue.

Hindi man sigurado, ayaw isara ni Sue ang posibilidad na magiging sila uli ni Joao. “I don’t know Tito Boy. Pero I don’t want to close my doors,” ani Sue.

Pero sa ngayon daw, uunahin muna ni Sue ang kanyang sarili. “Sa ngayon po unahin ko na muna ang sarili ko. I have a tendency when I’m in a relationship I’m really really dedicated to it. Ibinibigay kong buong buo ang sarili ko. So this time ang sarap lang sa pakiramdam na inuna ko naman ang sarili ko. Na ako naman,” pagbibigay linaw ng aktres.

Sa segment na yakap o sapak, sinapak naman ni Sue ang unan na may mukha ni Ronnie Alonte. “Napaaway ako dahil dyan e, sasapakain ko yan Tito Boy,” aniya.