• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata, alay sa inang OFW ang tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Maymay Entrata, alay sa inang OFW ang tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’

Kasabay ng tagumpay ng pelikula, baon din ni Maymay Entrata ang mga natutunan mula sa kanilang direktor na si Cathy Garcia Molina

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/5/2019 1:31 PM
Maymay Entrata, alay sa inang OFW ang tagumpay ng ‘Hello, Love, Goodbye’


Photo Credit: @maymay on IG

Buong puso na pinasalamatan ng Kapamilya star na si Maymay Entrata ang naging tagumpay ng Hello, Love, Goodbye.

Sa naganap na thanksgiving party nitong Martes, Setyembre 3, pinasalamatan ni Maymay ang mga kasamahang artista, crew at direktor ng kanilang pekikula.

READ:‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time

“Ako po nagpapasalamat, sobra po talaga. Kasi talagang kinabahan po ako dahil ako po ang pinakabunso dito, at dahil po sa mga co-actors ko naging madali po ang proseso kasi talagang kinakabahan po ako,” pahayag ni Maymay.

Ayon pa kay Maymay, baon niya ang ang mga natutunan na disiplina ng pagiging isang artista mula sa kanilang direktor na si Cathy Garcia-Molina.

“At isa sa mga iniidolo kong director, si direk Cathy, kahit hindi naging matagal ang taping ko doon pero ‘yung disiplina bilang isang aktor at aktres ay hangga’t maari na may oras pa ako noon ay talagang nakikinig ako. Salamat, Direk.”

At sa tagumpay na inabot ng pelikula, alay din daw ni Maymay ang lahat na ito para sa kanyang ina na isang OFW sa Japan.

“Gusto ko lang din po i-share na naging fulfilment ko po ay ‘yung nakita ko ‘yung nanay ko dahil 20 years na siyang OFW at sinabi niya sa akin na ‘sobrang na-appreciate ko ‘yung movie niyo’ kasi bilang bilang OFW mas marami nang nakaka-intindi na tao kung ano ‘yung totoong nangyayari na sakripisyo at paghihirap ng mga OFW, kaya maraming salamat po.”

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanood sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye na inaasahan na sasampa pa sa 1Billion Php ang kita.