• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘I’m that worthy’, Alden Richards, ibinahagi ang pagbabago matapos ang ‘Hello, Love, Goodbye’

‘I’m that worthy’, Alden Richards, ibinahagi ang pagbabago matapos ang ‘Hello, Love, Goodbye’

Close to 1 Billion pesos na ang kita ng ‘Hello, Love, Goodbye’ at isa na sa highest grossing Filipino movie of all time.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/5/2019 12:58 PM
‘I’m that worthy’, Alden Richards, ibinahagi ang pagbabago matapos ang ‘Hello, Love, Goodbye’


Labis na pasasalamat ang ipinaabot ang aktor na si Alden Richards sa tagumpay ng Hello, Love, Goodbye.

Sa naganap na thanksgiving party nitong Martes, Setyembre 3, naging emosyonal si Alden Richards habang pinapasalamatan ang buong cast at crew na bumuo ng kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo.

READ: ‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time

“I never imagined po na I would be here tonight in front of all of my co-stars director and executives of ABS-CBN. When I started with GMA, before po na I’m very vocal na I’m a fan of Star Cinema movies and sabi ko, in case na palarin ako makapasok sa industriya, I [would] really love to do a movie with Star Cinema and talagang dreams do really come true,” sabi ni Alden sa harapan ng ABS-CBN Executives.

Dito, ibinahagi din ni Alden na isa sa pangarap niya ang makatrabaho sa Star Cinema si direk Cathy Garcia Molina.

“If you’re with the right people, with the right attitude, plus yung paniniwala mo sa buhay you will get where you want to be,” aniya.

Ayon pa sa aktor, “Sobra po akong thankful dahil sinugalan niyo po ako, kasi hindi ko po na realize na I’m that worthy,” emosyonal niyang pahayag.

Buong puso din na pinasalamatan ni Alden ang direktor na si Cathy Garcia-Molina at ang kanyang co-star na si Kathryn Bernardo.

“This whole journey, my character as Ethan, I would like to give it to direk Cathy, hinawakan niya po ang kamay ko all throughout the journey and I surrender to her. Sabi ko pag ginawa ko ‘tong role na ‘to kay direk lang ako susunod. And ‘yun po ang nangyari sa Hello, Love, Goodbye, it is what it is now,” ani Alden.

“And siyempre kay Kath, (Kathryn Bernardo) na ang dami din pinagdaanan para matanggap ang proyekto, it’s not easy for her, it was never easy for her. Thank you so much for the trust for letting me be your partner. Maraming salamat sa ‘yo (Kathryn),” pahayag pa niya.

Sa ngayon, patuloy pa din na napapanood sa mga sinehan ang Hello, Love, Goodbye na inaasahan na sasampa pa sa 1Billion Php ang kita.