• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?’ Maris Racal asks Inigo Pascual

‘Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?’ Maris Racal asks Inigo Pascual

Naging emosyonal ang pag-uusap nina Maris Racal at Inigo Pascual as ‘Tonight with Boy Abunda’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/5/2019 1:47 PM
‘Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?’ Maris Racal asks Inigo Pascual


Photo Credit: @mariesteller @inigopascual on IG

Sa Tonight with Boy Abunda, matapang na sinagot nina I’m Ellenya L co-stars Maris Racal at Inigo Pascual ang tanong ng isang netizen kung magkakabalikan pa sila. “Happy ako kung ano man meron kami ngayon but hindi talaga natin malalaman kung ano yung future,” sabi ni Maris.

READ: Maris Racal admits Inigo Pascual broke her heart
 
Sa parehong episode inamin ni Maris at Inigo kung ano ang naging rason ng falling out nila late last year. Kaya naman binigyan din ng pagkakataon ni host Boy Abunda ang dalawa na tanungin ang isa’t isa.

 “Are you still carrying negative emotions towards me?” tanong ni Inigo kay Maris.  “Wala na Tito Boy,” ang sagot ni Maris sa tanong ni Inigo.

“Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?” Ito naman ang emotional na tanong ni Maris kay Inigo.

May kinalaman naman sa pamilya ang naging sagot ni Inigo kay Maris. “It broke my heart that it was the way it was. And I tell her that it makes me really sad I’m in a situation wherein I’m thinking of my Mom. I’m her only son,” panimulang sagot ni Inigo kay Maris.

Bukod sa ina ay isa pa raw dahilan ang relasyon ni Inigo sa amang si Piolo Pascual.

“My Dad, I started to just have a relationship with him when I moved back here. It’s hard for me to jump into a relationship because I want to be able to give my time and the same amount of effort and the same amount of love that the other person is giving. And if I wasn’t able to give that I’d rather not start it in the first place,” paglilinaw pa ng singer kay Maris.

Dahil hindi direktang nasagot ang tanong ni Maris, muling inulit ni host Boy Abunda ang tanong ni Maris kay Inigo. “Hindi ka lang ba ready nun or ayaw mo lang talaga?” muling tanong ni Tito Boy.

“I wasn’t ready,” sabi ni Inigo.

WATCH: Trailer of Maris Racal and Inigo Pascual’s new film