• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Dimples Romana, gaganap bilang kontrabida sa pelikula ni Vice Ganda at Anne Curtis

EXCLUSIVE: Dimples Romana, gaganap bilang kontrabida sa pelikula ni Vice Ganda at Anne Curtis

‘I'm sure kung minahal nila si Daniela, mamahalin rin nila itong character ko na 'to,’ matipid na pagbabahagi ni Dimples Romana.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/5/2019 11:56 AM
EXCLUSIVE: Dimples Romana, gaganap bilang kontrabida sa pelikula ni Vice Ganda at Anne Curtis


Photo Credit: @annecurtissmith @dimplesromana @praybeytbenjamin on IG

Isa sa mga dapat abangan ang magiging karakter ni Dimples Romana sa darating na pelikula nila Vice Ganda at Anne Curtis. Nakatakdang ilabas bilang isa sa mga entries ng Metro Manila Film Festival 2019, gaganap daw na kontrabida si Dimples.

"Well naku surprise na lang. I'm sure kung minahal nila si Daniela, mamahalin rin nila itong character ko na 'to," sagot ni Dimples sa interview ng PUSH noong Agosto 30 sa special screening ng Abandoned.

Bagamat nagsimula nang mag-shooting para sa ilang eksena, hindi na daw muna magbibigay ng iba pang detalye ang Kadenang Ginto actress. "But for now siguro I'm not at a place where kailangan kong mag-divluge ng information. Pero super exciting for everybody at nakakatawa, at ako mismong nasa movie ako, tapos ang sakit na ng panga ko kapag kasama ko sila," kuwento ni Dimples.

Pagpapatuloy pa ni Dimples, sigurado siyang nakakatawa ang magiging pelikulang ito. "Ang saya nila, ang saya sa set, ang good vibes. You'll just know na kapag nilabas na yung pelikulang 'to, it will give just the same happiness and joy na mayroon sa set namin," masayang kuwento pa ng aktres.

Nitong July unang naibalita na makakasama si Dimples sa cast members ng MMFF entry ni Vice. Ito na rin ang unang pagkakataon na makakasama ni Vice bilang bida sa pelikula, ang kapwa It's Showtime host na si Anne Curtis.

READ:'Daniela Mondragon' at Tony Labrusca, makakasama sa cast ng bagong movie nina Vice Ganda at Anne Curtis

READ: Vice Ganda, handang magpasampal kay Daniela Mondragon?

Ayon sa huhling inilabas na balita ng Metro Manila Film Festival, may title na 'Momalland' ang naturang pelikula, at ididirek ito ni Barry Gonzalez.