• Home
  • Fresh Scoops
  • BASAHIN: Reaksyon ni Enchong Dee sa kontrobersiyang pinagdaanan ni Bea Alonzo

BASAHIN: Reaksyon ni Enchong Dee sa kontrobersiyang pinagdaanan ni Bea Alonzo

Matatandaang present si Enchong Dee sa birthday party ni Rayver Cruz kung saan umano unang nakitang magkasama ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson at “Between Maybes” leading lady nito na si Julia Barretto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/5/2019 5:49 PM
BASAHIN: Reaksyon ni Enchong Dee sa kontrobersiyang pinagdaanan ni Bea Alonzo


Photo credit: @mr_enchongdee on Instagram

Magandang timing ang pagbabalik ni Enchong Dee bilang host ng programang “AgriCOOLture” dahil isa na rin siyang shareholder ng isang farm sa Rizal ngayon.

Ibinalita ito ng aktor sa 20th anniversary press launch ng Knowledge Channel kung saan ipinakilala siya bilang presenter ng nasabing show na tumatalakay sa malaking potensiyal ng agrikultura ng bansa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Maymay Entrata and Enchong Dee together with Knowledge Channel family during their 20th Anniversary Press Launch

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Enchong Dee together with Michelle and Ms. Rina Bautista during Knowledge Channel’s 20th Anniversary Press Launch

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Not necessarily bumili ng farm pero nag-invest ako sa farm. So, there’s a part of it that I am a shareholder,” aniya sa sideline ng conference na ginanap nitong Miyerkules sa La Reve Poool and Events Venue sa Quezon City.

Ito ay kasabay ng pagkumpleto niya kamakailan ng kanyang “mini” Master of Business Administration (MBA) program, isang leadership and management short course para sa mga hindi makapag-pursue ng full MBA program.

READ: Enchong Dee completes mini-MBA program

“Kaka-graduate ko lang pero may mga make up classes pa akong kailangang tapusin. Pero definitely this is something for beyond show business. So I can take care of myself and my family afterwards,” aniya.

Ayon kay Enchong, “personal initiative” niya ang pag-enroll sa nasabing business course matapos siyang ma-challenge sa isang businessman.

Kwento niya, “May nakausap kasi ako. Talagang businessman siya. He came from a rich family that really is into business. Tapos kinakausap niya ako na malalalim ‘yung business terms. So sabi ko, hindi ko hahayaan ‘yung sarili ko na hindi ko alam at hindi ko naiintindihan ‘yung pinagu-usapan namin. So, a few weeks after, I decided to enroll myself.”

Nang tanungin kung talagang business ang career na gusto niyang tahakin maliban sa showbiz, sagot niya: “Oo. Parang mas gusto ko ‘yung negosyo kaysa sa politika.”

Samantala, hindi naman maitago ni Enchong ang kanyang excitement para sa darating na ABS-CBN Ball.

“Excited ako kasi last year hindi ako naka-attend, eh. Dahil sa trabaho. Dollars ‘yun, siyempre kapag dollars kailangan mo maging priority,” biro ng aktor, na hindi kinumpirma kung may makaka-date ba siya sa nasabing event.

Tumanggi naman na magkomento si Enchong sa isyu na pinagdaanan ng kanyang matalik na kaibigang si Bea Alonzo.

Matatandaang present si Enchong sa birthday party ni Rayver Cruz kung saan umano unang nakitang magkasama ang ex-boyfriend ng aktres na si Gerald Anderson at “Between Maybes” leading lady nito na si Julia Barretto.

To be fair, wala ako sa lahat ng ‘to. Hindi ko dinikit ‘yung sarili ko. Tsaka intindi naman naming ‘yun. Kahit sa kanila, to all the people involved. I think they respected also the silence of all their friends,” aniya.