• Home
  • Fresh Scoops
  • Ahron Villena, aminadong hindi masyadong naging masaya sa takbo ng showbiz career

Ahron Villena, aminadong hindi masyadong naging masaya sa takbo ng showbiz career

Nagpapasalamat si Ahron Villena na meron pa rin siyang projects hanggang ngayon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/5/2019 11:26 AM
Ahron Villena, aminadong hindi masyadong naging masaya sa takbo ng showbiz career


Photo Credit: @ahronvillena on IG

Fifteen years na sa showbiz si Ahron Villena na nagsimula ang career nung sumali siya sa TV Idol (You’re The Man) na isang segment sa noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali Bayan. Ayon sa aktor, sa halos isa’t kalahating dekada niya sa showbiz, hindi raw siya gaanong na-satisfy sa kinalabasan at naging resulta nito.

“I’ll be honest naman po, of course, kahit papaano nag-expect ako before nung medyo bata ako na talagang aangat yung career ko kahit papaano. But now, to be honest din, I’m really happy kung ano po yung kinakalagyan ko ngayon.

“Kasi, imagine, I’ve been in the industry for 15 years, ang dami ng bagong artista, sobrang dami. And I’m really happy na nako-konsider pa rin ako kahit papaano sa mga projects,” simulang kuwento ng aktor.

Nakausap ng PUSH si Ahron sa presscon ng pelikulang Marineros kung saan isa siya sa mga bida together with veteran actor Michael de Mesa. The film is directed by Anthony Hernandez.

Naibahagi rin ni Ahron na may mga pagkakataong disappointed siya na hindi niya na-achieve ang ilan sa kanyang goals noon.

Aniya, “Well, meron din siyempre. Parang, ‘Ba’t ganun?’ Parang feeling ko bobo ba akong umarte? I’m not saying na magaling akong aktor, pero sabi ko, siguro ganun talaga. Inano ko na sa utak ko na baka ganun talaga.

“Eventually natanggap ko na rin, parang, ‘Okey lang.’ Alam ko naman na meron pa ring dadating na trabaho. Hindi man maging bida, its okey, I don’t mind kung ano yung maging role ko.

“Ako kasi, I’m not into fame any more. Wala na, hindi na ako do’n. As long as may work and at the same time yung work na gagawin ko is yung parang tatatak sa tao, walang problema sa akin.”

Eh, ano ba ang maiko-consider niyang lowest point of his career? Ito ba yung time na lumabas ang kontrobersyal niyang nude photo sa internet?

“Nung pinagpipiyestahan nila yon may trabaho nga ako non, eh,” natatawa niyang sagot sa amin.

Dugtong niya, “Mas lowest point nung time na wala akong work kesa do’n sa scandal ko. Kasi yung scandal, parang normal na siya sa industry. Kumbaga, pag wala ka niyan parang, ‘Ay, wala siyang scandal?’ Kasi ngayon, parang lahat meron na, eh.

“Hindi ko naman sinabi na, ‘Ah, ako din dapat,’ kasi hindi ko naman intensyon na mangyari yon. So, kumbaga, somehow talagang nakatulong din siya.”

Natatawa ding naikuwento ni Ahron ang isang insidente nung may naka-date siyang babae na alam din ang tungkol sa kanyang photo scandal.

“Meron akong na-meet before na babae na naka-save sa phone niya yung pic ko. Tapos nung may nangyari sa amin, sabi niya, ‘Alam mo, alam ko yung scandal mo, meron ako dito sa phone ko.’ Siyempre, nagulat ako. Hahaha!”

Eh, ano ang mensahe niya sa ibang aktor na dumaan sa kapareho niyang sitwasyon na meron ding photo or video scandal.

“If you have the guts, eh, aminin mo na! Sabi nga nila, hindi naman sa nagyayabang, pero sabi nila, ‘Okey lang yan kasi may pinagmamalaki ka naman.’ Pero sabi ko nga, hindi ko naman intensyon na mangyari yon. Siguro, naging careless din lang ako kaya lumabas yon,” huling pahayag ni Ahron sa PUSH.