Zanjoe Marudo, ibinida ang sikreto sa kanyang fit body

Kahit tag-ulan ay hindi nagpapaawat ang aktor na si Zanjoe Marudo sa pagwo-work out.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/4/2019 6:30 PM
Zanjoe Marudo, ibinida ang sikreto sa kanyang fit body


Photo credit: onlyzanjoemarudo on Instagram

Kahit tag-ulan ay hindi nagpapaawat ang aktor na si Zanjoe Marudo sa pagwo-work out.

Sa Instagram nitong Martes, ipinasilip ng aktor ang kanyang workout routine para ma-maintain ang kanyang beach-ready body.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bluesy weather🌨 #flexkolang

A post shared by zanjoe marudo (@onlyzanjoemarudo) on

“Bluesy weather #flexkolang” ani Zanjoe sa caption.

Kapansin pansin sa bidyo ang rock-hard abs ng aktor na pinagkaguluhan naman ng kanyang libo-libong followers, kabilang na ang kanyang mga kasama sa showbiz na sina Isabelle Daza, Denise Laurel, Vina Morales, at Rayver Cruz.

Sa ngayon ay may higit na sa 180,000 views at 1,600 comments ang nasabing post.