TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted na namamalengke sa Cebu

Viral muli ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos siyang mamataan na namamalengke sa Cebu.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/4/2019 11:31 AM
TINGNAN: John Lloyd Cruz, spotted na namamalengke sa Cebu


Photo credit: @@bisayangtravelista on FB

Viral muli ang aktor na si John Lloyd Cruz matapos siyang mamataan na namamalengke sa Cebu.

Sa post ng Facebook page na Bisayang Travelista Travel and Tours nitong Lunes, makikita ang ilang retrato ng Kapamilya star na pinagkakaguluhan habang namimili sa Moalboal Fish and Meat Market.

 

 

 

 

 

Isang ginang naman ang maswerteng pinaunlakan ni John Lloyd sa hiling nito na makapagpa-picture.

 

 

Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung kailan pormal na magbabalik si John Lloyd sa showbiz. Ngunit kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang posibleng pagbabalik ng aktor sa pag-arte matapos mag-trending ang kanyang retrato habang nasa set ng sinasabing isang pelikula. 

2017 nang huling mapanood si John Lloyd sa pelikulang Finally Found Someone kasama ang on-screen partner na si Sarah Geronimo.

Huli siyang nakita ng publiko sa advertisement para sa isang food chain.