Janella Salvador at Marlo Mortel, nagsamang muli

Magkahalong kilig at saya ang hatid ng tambalang Janella Salvador at Marlo Mortel sa kanilang reunion kamakailan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/4/2019 6:43 PM
Janella Salvador at Marlo Mortel, nagsamang muli


Photo credit: @marlomortelmusic on Instagram

Magkahalong kilig at saya ang hatid ng tambalang Janella Salvador at Marlo Mortel sa kanilang reunion kamakailan.

Sa Instagram nitong Biyernes, Agosto 30, nagbahagi ang aktor ng retrato kasama ang The Killer Bride star at 2019 Binibining Pilipinas candidate na si Hannah Arnold.

Biro nito sa caption, “Thank you po, mam janilla. Fans na fans po talaga kita sa da killer bride!”

Sagot naman ni Janella: “Ay funs na funs din po kita!”

Hindi naman tinukoy ni Marlo kung saan o kailan kuha ang nasabing retrato.

Taong 2012 nang nabuo ang tambalang “MarNella” sa seryeng Be Careful With My Heart.

Matapos na maipareha si Janella kay Elmo Magalona, nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magsamang muli sa kauna-unahang major concert ni Marlo na “ImMORTELized” Oktubre ng nakaraang taon.