Ruby Ruiz, naging fan ni Judy Ann Santos sa ‘Mindanao’

Umaasa si Ruby Ruiz na magiging bahagi ang ‘Mindanao’ sa 2019 Metro Manila Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/4/2019 2:08 PM
Ruby Ruiz, naging fan ni Judy Ann Santos sa ‘Mindanao’


Isa ang character actress at 2019 Cinemalaya best actress na si Ruby Ruiz sa mga magiging bahagi ng pelikulang Mindanao ni Judy Ann Santos.

Ang Mindanao ay ang pagbabalik pelikula ni Judy Ann matapos ang kanyang pelikula sa Star Cinema na Ang Dalawang Mrs. Reyes kasama si Angelica Panganiban.

Kuwento ng character actress, na gumaganap bilang kaibigan ni Juday sa Mindanao, ibang atake ang ginawa ng Kapamilya actress sa kanyang bagong proyekto.

“Ano niya ako doon, parang isa sa mga best friend niya ako doon pareho kaming mother of cancer-stricken children,” tugon ni Ruby sa panayam sa Get Reel Mobile Short Film Festival 2019.

“Ang galing galing ni Judy Ann. Ay grabe!” sabi pa ni Ruby.

‘Yung talagang buong buo ang luha hindi sumasabog,” paghangang kuwento ng aktres.

Dahil sa tema ng pelikula, naniniwala din si Ruby na nararapat itong mapanuod sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Ako dapat. Very relevant ‘yung tema. Tapos first time ko nakita si Direk Brillante (Mendoza) na parang ganitong klase ang treatment niya iba sa mga dati niyang nagawa,” aniya pa.

“Very good film. It’s a must-watch,” pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, mainit pa din na inaabangan ang apat pang pelikula na bubuo sa mga pelikulang kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.