• Home
  • Fresh Scoops
  • Pag-aaral at showbiz career, plano pagsabayin ni Marco Gallo.

Pag-aaral at showbiz career, plano pagsabayin ni Marco Gallo.

Hindi man naging matagumpay ang tandem nila ni Kisses Delavin, mas focus ngayon si Marco Gallo sa kanyang pagbabalik aral at balik showbiz.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/4/2019 2:14 PM
Pag-aaral at showbiz career, plano pagsabayin ni Marco Gallo.


Photo credit: @ marcogalloc on Instagram


Matapos ang pansamantalang pamamahinga at pagiibang bansa ng dating Pinoy Big Brother housemate, balik showbiz na ngayon si Marco Gallo.

Kuwento ni Marco, may panghihinayang siya sa nabuo nilang samahan ni Kisses Delavin kaya mas pinili nalang niya na mag lie-low muna pansalamantala kasunod ng ‘di magandang kinahinatnan ng kanilang tandem.

“Of course naman kasi siyempre may pinagsamahan two years. So sayang lang ‘di ba parang it could have been more. Pero I understand naman. It’s life, things change,” aniya.

Sa kabila naman ng lahat, focus muna ngayon si Marco sa kanyang karera bilang solo artist.

“Work, acting that’s the only reason I came here, I like acting I can’t live without it so I love watching movies. You can’t live without something you love right?” sabi pa ni Marco.

Kasabay ng kanyang balik showbiz, ibinahagi din ni Marco ang kanyang plano na pagbabalik aral. 

“Feeling ko naman so far my fallback plan (education) kung sakali di tagumpay pagbabalik ko sa showbiz. Kaya nag-aaral din ako in the meantime po,” pahayag pa niya.

Sa kanyang pagbabalik, bahagi ngayon si Marco ng Pamilya Ko sa pangunguna ni JM De Guzman na inaasahan magsisimula anytime soon.