• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata at Edward Barber, may gustong patunayan sa kanilang upcoming concert

Maymay Entrata at Edward Barber, may gustong patunayan sa kanilang upcoming concert

Maymay Entrata: ‘May ibibuga po kami.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/4/2019 2:27 PM
Maymay Entrata at Edward Barber, may gustong patunayan sa kanilang upcoming concert


Photo credit: @maymay on Instagram

Sa ulat ni MJ Felipe mula sa TV Patrol, kilig feels diumano sina Maymay Entrata at Edward Barber sa pictorial nila para sa kanilang upcoming thanksgiving concert na gaganapin sa September 27.

Read:Maymay Entrata at Edward Barber, sasabak sa kanilang unang major concert

Ayon kay Maymay, hindi lang ito concert para sa mga fans kundi may gusto ring patunayan ang MayWard. “Gusto namin ni Dodong ‘to. Para sa mga fans at para i-prove din na hindi lang kami pa-cute-cute, na may ibibuga po kami,” diretsang sabi ni Maymay.

Sang-ayon naman sa kanya si Edward na sinabing kailangan din nilang mag-level up. “And now there’s a little bit of extra pressure, na we have that experience in our pocket. Na kailangan naming mag level up ng konti,” ani Edward.

Buhos ang blessings para sa love team. Isa na dito ang pagkakasama ni Maymay sa box office hit film na Hello, Love, Goodbye kung saan gumanap siya bilang pinsan ng character ni Kathryn Bernardo. Si Edward naman malaking tulong sa karera niya ang Kapamilya weekend series na Hiwaga ng Kambat

ReadEdward Barber, hindi papayag na mawala si buhay niya si Maymay