Jimuel Pacquiao, inalok na bumida sa isang Hollywood movie

Bali-balita ngayon na nakakuha ng acting offer si Jimuel Pacquiao sa Hollywood.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/4/2019 4:30 PM
Jimuel Pacquiao, inalok na bumida sa isang Hollywood movie


Photo credit: @jinkeepacquiao on Instagram

Hindi man aktibo sa local showbiz ay nabigyan di umano ng offer si Jimuel Pacquiao na bumida sa isang Hollywood movie.

Ayon kay Arnold Vegafria, manager ng world boxing champ na si Senator Manny Pacquiao, ang pelikula ay isang martial arts movie.

“Ang shoot daw ay Manila, Japan and US,” ani Vegafria nang makapanayam siya ng PEP.

“Kasi, because of the videos yata niya, iyong mga boxing niya. About boxing yata iyong film. So, nakikita iyong boxing skills niya, saka iyong action skills niya. So, nagkainteres. Guwapo naman si Jimuel,” dagdag pa niya.

Pero nilinaw naman ni Vegafria na nakasalalay ang desisyon sa kanyang ama dahil nag-aaral na ang batang Pacquiao.

“'Di ko pa alam kung papayag si MP (Manny Pacquiao). Kung papayagan niya iyong anak niya. Kasi, nasa college na si Jimuel. Nasa La Salle na.”