• Home
  • Fresh Scoops
  • Inigo Pascual on Maris Racal: ‘She was ready to be in a relationship… I just couldn’t give that’

Inigo Pascual on Maris Racal: ‘She was ready to be in a relationship… I just couldn’t give that’

Ano ang naging pagsusuma ni Inigo Pascual kung bakit nasaktan niya noon si Maris Racal?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/4/2019 11:53 PM
Inigo Pascual on Maris Racal: ‘She was ready to be in a relationship… I just couldn’t give that’


Photo credit: @inigopascual on Instagram

Sa Tonight with Boy Abunda, diretsang sinagot ni I’m Ellenya L co-stars Maris Racal at Inigo Pascual ang mga maiinit na tanong tungkol sa naging falling out nila noon. Matatandaan na nauna nang inamin ni Maris sa parehong palabas na “Inigo broke her heart.”

READ: Maris Racal admits Inigo Pascual broke her heart

Pinagsisisihan naman daw ni Inigo na nasaktan niya ang dalaga pero hindi niya ito sinasadya. “It was not intentional. I was sad that it had to be that way. We’ve talked about it. It’s a situation that I didn’t want to be in. I didn’t want to break her heart and it’s sad to have to go through it but we went through it,” ayon sa singer. 

Diretsa din niyang sinabi kung ano ang naging dahilan at nasaktan niya si Maris. “Maris was ready to give everything…  She was ready to be in a relationship and I was in a situation wherein I just couldn’t give that and that was very hard for me as well,” sagot ni Inigo. 

Aminado naman si Maris na naging mahirap ang lahat para sa kanya. “Yes… pero okay na kami ngayon. Mas okay na pinili niya yung career niya, yung gusto niyang gawin,” ayon sa singer-actress. 

Aminado rin si Inigo na pwedeng pagsabayin ang karera at pag-ibig, pero gusto daw niya na maibigay ang lahat sa isang relationship. “She needs someone that could be there for her and there were a lot of times, simple days where I just could not be there for her I didn’t like that feeling,” ani Inigo. 

“If I were to be in a relationship I want to be able to give my all as well and it just wasn’t the situation that we were in at that time. Even now. It’s not easy to have to accept that and have to go through, especially when someone is there ready for you,” dagdag pa ng singer.  

Late December last year diumano nangyari ang lahat ng ito at March this year lang uli sila nagsimulang mag-text at magkausap. 

Kahit na mahirap ang pinagdaanan ng MarNigo, naka-move on na daw si Maris dahil na rin sa positibo siyang tao. “Mabilis ako maka-move on. Hindi ako nagde-dwell sa negative feeling. Thankful ako na nakaka-cope up ako mag-isa,” aniya. 

WATCH: Trailer of Maris Racal and Inigo Pascual’s new film