• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joseph Marco, di akalain magkakaroon pa ng love team dahil sa ‘Los Bastardos’

EXCLUSIVE: Joseph Marco, di akalain magkakaroon pa ng love team dahil sa ‘Los Bastardos’

Joseph Marco, pinakanae-enjoy sa ‘Los Bastardos’ dahil sa samahan ng cast.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/4/2019 12:08 PM
EXCLUSIVE: Joseph Marco, di akalain magkakaroon pa ng love team dahil sa ‘Los Bastardos’


Photo credit: @josephcmarco on Instagram

Para sa hunky Kapamilya actor na si Joseph Marco, ang Los Bastardos ng ABS-CBN ang teleseryeng ginawa niya na pinaka-nag-enjoy siya.

“I don’t know, maybe because lima kaming lalaki sa teleserye na magkakasundo. Sabay-sabay kaming nagdyi-gym, tapos pare-parehas kami ng kalokohan. Para kaming naglalaro lang, but when it comes sa set, lalo na pag mabibigat ang eksena, hindi talaga kami nag-usap, wala talagang pansinan.

“Thankful din kami na Jake (Cuenca) is leading us. Sinasabi niya na ito yung dapat gawin, he’s keeping us… yung mga payo niya, hindi siya nawawalan ng payo sa amin,” masayang kuwento ni Joseph sa exclusive interview ng PUSH.

Amindo ang aktor na kung hindi nawala ang karakter ni Diego Lozyaga sa Los Bastardos ay hindi siya mapapasama sa cast ng soap.

Lahad niya, “Yeah, kind of. They had to replace Diego, and nagpapasalamat ako na ako yung napili nila.”

Patuloy niya, “Feeling ko meant talaga sa akin yung project na ito. And thankful ako kasi parang sobrang winelcome nila ako. Hindi ko na-feel na baguhan ako sa cast, parang naging part ako kaagad nung cast.

“And right now, mag-e-eleven months na yung project, pumasok ako nasa second season na sila which is three months and pahaba nang pahaba yung takbo ng show kaya sobrang thankful talaga ako.”

Nagpapasalamat din siya na dahil sa Los Bastardos ay nabuo ang love team nila ni Ritz Azul na tinatawag na JoRitz.

“Most of the times we’re always trending talaga. Tapos ang daming nagtu-tweet, ang daming nagre-request ng kung anu-ano. Ako, hindi ko ini-expect na at my age, magkakaroon pa ako ng solid love team na parang, wow, I didn’t see that coming,” he said.

“Nagkaroon na rin kami ng fans club at medyo maingay siya. Meron din kaming upcoming movie sa Regal, so very exciting,” balita pa ng aktor.