• Home
  • Fresh Scoops
  • Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla, bakit nga ba muli gumawa ng pelikula?

Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla, bakit nga ba muli gumawa ng pelikula?

Napa throwback sina Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla sa kanilang mga naging biruan sa bagong comedy movie.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/4/2019 2:19 PM
Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla, bakit nga ba muli gumawa ng pelikula?


Photo credit: @ andrewe_dongalo on Instagram

Tila isang reunion ng ‘90s comedy stars ang naging red carpet premiere ng bagong comedy movie ng VIVA Films na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na pinangunahan nina Andrew E. Janno Gibbs, at Dennis Padilla.

 

 

Sa panayam sa mga bida, hindi naiwasan na magbalik sa ‘90s film ang punchlines ng tatlo.

“Maraming salamat dahil nandito kayong lahat para suportahan ang aming pelikula kasama si (to Andrew E) ano nga pangalan mo?” pagbibiro ni Dennis kay Andrew E.

“Gerald Anderson,” (laughter) masayang tugon ni Andrew E.

Kuwento pa ni Andrew, special request ng Tito’s and Tita’s of Manila ang mag reunion movie silang tatlo at makasama din ang iba pang mga ‘90s stars.

“‘Yung mga ‘90s Tito’s and Tita’s ang very eager to have a movie like this, ‘yun ang nag udyok kay Boss Vic (Del Rosario) at VIVA na gumawa ng ganito klase movie all from the ‘90s,” sabi pa ni Andrew.

At nang tinanong kung sino kay Dennis, Janno at Andrew E ang may pinaka edad na, “Alam nyo naman maliit pa ako noon pinapanood ko na mga pelikula ni Janno sa Regal noon kasama si Manilyn Reynes,” sabi pa ni Dennis.

“Maliit pa rin naman ako hanggang ngayon eh!” masayang sagot ni Janno.

Mapapanood ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo ngayong September 4.