• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Abandoned’ actress Beauty Gonzalez, gusto ring maging “Scream Queen” tulad ni Kris Aquino

‘Abandoned’ actress Beauty Gonzalez, gusto ring maging “Scream Queen” tulad ni Kris Aquino

Bilang mahilig sa mga horror movies, iniidolo raw ni Beauty Gonzalez si Kris Aquino, kaya't gusto rin niyang maging ‘Scream Queen’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/5/2019 12:41 AM
‘Abandoned’ actress Beauty Gonzalez, gusto ring maging “Scream Queen” tulad ni Kris Aquino


Matapos bumida sa isang horror movie ng iWant na Abandoned, aabangan muli si Beauty Gonzalez sa isa pang horror movie na ilalabas sa November ngayong taon. 

“I’m doing another film that’s coming this Halloween, another horror film. So parang nagiging horror na ako. Nako watch out kayo sa scream ko—china-challenge ko yung sigaw ni Kris Aquino,” birong pahayag ni Beauty sa press sa nakaraang special screening ng Abandoned digital movie. 

Dagdag pa ni Beauty, gusto rin niyang maging ‘Scream Queen’ tulad ng idolo niyang si Kris Aquino. “Iniidolo ko si Miss Kris, so baka ako naman ang the second scream queen,” sabi niya. 

Ang Abandoned ang pinaka-unang pelikula na pinagbidahan ni Beauty. Dito, nakasama niya rin ang baguhan sa pag-arte na si Seth Fedelin. “Unexpectedly, ang galing ni Seth. Actually dito kami unang nagkita sa Abandoned e, hindi sa Kadenang Ginto, and then ayon, ang galing niya. As in naturally it comes out naman,” sabi ni Beauty. 

Bilang parehas ring nagmula sa reality TV show na Pinoy Big Brother si Beauty at Seth, inalala ng aktres nakakatuwang experience niya noong unang beses siyang sumabak sa aktingan. 

“Natatawa ako kasi nakikita ko [sarili ko] nung first time ko sa trabaho. Pero mas malala lang ako noon, kasi ako dati akala ko yung battery ng lapel yun yung microphone. At least siya alam na niya kung nasaan sa lapel ang microphone,” kuwento ni Beauty. 

LOOK: Cast ng Kadenang Ginto, sinuportahan ang iWant horror movie nina Beauty Gonzalez at Seth Fedelin

Panoorin ang buong trailer ng Abandoned dito:

Sa ilalim ng direksyon ni Kip Oebanda, ang parehong gumawa ng award-winning film na Liway, mapapanood ang Abandoned nang libre sa iWant app.