• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, ibinunyag na hindi siya ang orihinal na bibida sana sa ‘The Killer Bride’

Maja Salvador, ibinunyag na hindi siya ang orihinal na bibida sana sa ‘The Killer Bride’

Ayon kay Maja Salvador, hindi dapat siya ang gaganap sa papel ni Camila dela Torre, ngunit isang aktres na ngayon ay may anak na.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/30/2019 4:14 PM
Maja Salvador, ibinunyag na hindi siya ang orihinal na bibida sana sa ‘The Killer Bride’


Photo credit: @iammajasalvador on Instagram

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Maja Salvador sa kanyang sunud-sunod na proyekto ngayong taon.

Sa gitna ng tagumpay ng kanyang teleserye na The Killer Bride, isang bagong palabas ang handog ng Kapamilya star para sa kanyang mga taga-suporta -- ang iWant series na Hinahanap-hanap Kita.

Sa panayam ng ABS-CBN News, ibinunyag ni Maja na ang nasabing serye ang naging daan upang makuha niya ang papel bilang si Camilla Dela Torre sa The Killer Bride.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

CAMILA

A post shared by MAJA (@iammajasalvador) on

"Ito ang nauna po March namin ito ginawa, habang nasa Dubai kami, kinukulit ko po 'yung boss ko, nag-a-apply ako sa kanya sa Killer Bride, tapos ang sinasabi nila mayroon raw akong ibang serye, tapos sinasabi ko 'parang okay po talaga dyan'," aniya

"So March kami nag-shoot, after one month, mga May doon po ako nakapasa po ako sa audition, pasok po ako sa Killer Bride."

Dagdag pa ni Maja, hindi dapat siya ang gaganap sa papel ni Camila, ngunit isang aktres na ngayon ay may anak na.

"Pwede ko po ba sabihin kung sino talaga ang una?" tanong ng aktres.

"Bawal daw po eh, pero si ano po 'yan, kaso nga lang kasi may anak na siya gusto niya mag focus sa anak niya and gusto niya mag focus sa anak niya and all, malayo ganyan," pahayag pa niya.

Mapapanood gabi-gabi ang The Killer Bride sa Primetime Bida pagkatapos ng The General's Daughter.