• Home
  • Fresh Scoops
  • Jhong Hilario at Vhong Navarro, pinayuhan si Ion Perez na alagaan si Vice Ganda

Jhong Hilario at Vhong Navarro, pinayuhan si Ion Perez na alagaan si Vice Ganda

Naging seryoso ang tono ng hosts na sina Jhong Hilario at Vhong Navarro nang payuhan nila si Ion Perez na alagaan ang kanilang “kapatid” na si Vice Ganda.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/30/2019 5:00 PM
Jhong Hilario at Vhong Navarro, pinayuhan si Ion Perez na alagaan si Vice Ganda


Photo credit: @jhonghilario, @viceiion and @vhongx44 IG

“Siyempre, kinilig.”

Ito ang diretsong sagot ni Ion Perez sa tanong nina Jhong Hilario at Vhong Navarro tungkol sa kanyang  naging reaksyon sa viral post ng rumored partner nito na si Vice Ganda.

Nitong nakaraang linggo, nag-trending ang rumored couple matapos na magbahagi si Vice Ganda ng retrato kasama si Ion sa kanyang Instagram account. May caption ito na, "Everybody deserves to love and be happy. Everybody includes YOU and ME."

Sa 'KapareWho' segment ng It's Showtime nitong Biyernes, sinabi ni Ion na pinusuan niya agad ang post na sa ngayon ay may higit na sa 800,000 likes mula sa followers ng tinaguriang Unkabogable Star.

 "Hindi ako [nag-comment]. Puso lang sapat na," dagdag pa ni Ion.

Naging seryoso naman bigla ang tono nina Jhong at Vhong nang payuhan nila si Ion na alagaan ang kanilang "kapatid."

“Tandaan mo lang, ha, kami ni Kuya Vhong mo, mga kapatid ni Vice. Alagaan mo," ani Jhong.

“Ingatan mo ‘to, kasi babasagin ‘to," dagdag pa ni Vhong. "Kasi pag nagmahal ‘yan, purong-puro. Ayoko nang mabasag muli."

Nang tanungin naman ni Jhong tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Vice Ganda, matapang na sumagot si Ion, “Mahal na mahal ko ‘yan, Kuya."

Ito, isang linggo matapos ang naging usap-usapan na episode ng noontime program kung saan parehas na naiyak sina Vice Ganda at Ion nang mag-"I love you" sa isa't isa sa segment na Mr. Q and A.

Panoorin ang nasabing episode dito: