Aiko Melendez, bawal na sa kissing scenes

Paliwag ni Aiko Melendez, hindi payag ang kaniyang kasalukuyang boyfriend at ang dalawang anak sa mga kissing scenes sa kanyang mga pelikula or TV series.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/30/2019 9:10 AM
Aiko Melendez, bawal na sa kissing scenes


Photo credit: @aikomelendez IG

"Laglagan" na para sa Power Four celebrity best friends na sina Aiko Melendez, Gelli de Belen, Carmina Villaroel, at Candy Pangilinan, sa isang YouTube vlog ni Aiko na "Aikonfess". Sa part two ng kanilang segment, inamin ni Aiko na pinagbabawalan na siya sa mga kissing scenes ng kaniyang kasalukuyang boyfriend at mga anak.

"Hindi kasi siya kumportable. Tsaka siyempre 'di ba may posisyon siya," paliwanag ni Aiko na tinutukoy ang kaniyang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun ng Zambales.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Just be Happy that we are Happy and Will always be one ❤️ @aikomelendez

A post shared by Jay Khonghun (@jaykhonghun) on

 

Samantala, para naman kay Carmina, papayag siya raw siya sa kissing scene pero kung hindi naman kinakailangan ang naturang eksena ay tatanggihan niya ito.

"Siyempre kung tatanungin mo si Zoren, sasabihin talaga niya hindi. Kung pupwedeng hindi, hindi. Sino ba naman ang gustong makita ang asawa mo nang ganon. But tayo naman alam naman natin e, kung talagang kinakailangan," sabi ni Carmina.

Kabaligtaran naman ang sinagot ni Gelli at Candy, na para sa kanila ay okay pa rin sila sa pagtanggap ng kissing scenes.

Bago lumipat sa ibang tanong, nag-iwan pa ng isang shout out sa kaniyang nobyo si Aiko. "Vice Gov. ayan ang mga views ng kaibigan ko, pumayag ka na," sabi nito.

Panoorin ang iba pa nilang revelations sa videong ito:

READ: Aiko Melendez shares photo with boyfriend after admitting they were having problems

May halos tatlong dekada nang magkakaibigan ang apat na aktres, ayon sa una nilang vlog na mapapanood sa parehong channel. Sa grupo, si Carmina at Gelli ang married, habang si Aiko ay nasa boyfriend-girlfriend stage at si Candy ay single.