• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘No regrets’: Ina Raymundo, inalala ang desisyong pag-alis sa showbiz noon dahil sa pag-ibig

‘No regrets’: Ina Raymundo, inalala ang desisyong pag-alis sa showbiz noon dahil sa pag-ibig

Ayon kay Ina Raymundo, nasa “peak” siya ng kaniyang karera noon nang nagdalang tao siya at nagdesisyong iwanan pansamantala ang show business.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/3/2019 2:15 PM
‘No regrets’: Ina Raymundo, inalala ang desisyong pag-alis sa showbiz noon dahil sa pag-ibig


Photo credit: @inaraymundo95 IG

Itinuturing ni Ina Raymundo na pinaka-baliw niyang ginawa para sa pag-ibig, ay ang desisyong iwanan ang karera noon. Ayon kay Ina, baliw siya pagdating sa pag-ibig, at hindi niya ito pinagsisisihan. 

"I was at my peak of my career, when he (husband) got me pregnant. May dalawang movies ako, may album ako, so sobrang nasa peak ako. Tapos umalis ako, I left everything. I chose my husband, and no regrets. So baliw ako sa pag-ibig, sa kaniya," pahayag ni Ina sa press sa media conference ng pelikulang Open

Unang nakilala si Ina nang bumida siya sa isang TV commercial ng beer noong ‘90s. Ilang sexy films na rin ang kaniyang nagawa, tulad ng Bikini Watch, Sabado Nights, Burlesk Queen Ngayon, at Tuhog

Taong 2003 nang ikasal si Ina sa Ukrainian-Canadian businessman na si Biran Poturnak, isang taon matapos ipanganak ang panganay na si Erika. Sa ngayon may limang anak si Ina. 

READ: ‘Nagulat rin ako’: JC Santos sa kissing scene nila ni Ina Raymundo

LOOK: Erika Poturnak is a copy-paste version of her mom Ina Raymundo

Sa press confrence din ay inamin rin ni Ina na may "phobia" siya sa commitment noong kabataan niya, kaya masasabi niyang maaaring ikokonsidera niya ang pagpasok sa isang open relationship kung dalaga siya ngayon. 

"Kung dalaga ako - kasi commitment-phobic ako nung dalaga ako, so siguro posible [sa akin ang open relationship]. Pero wala kasi akong naging boyfriend na ganong nag-offer, kasi I'd never had a long term relationship, so never kong na-experience yun," paliwanag ni Ina na inaming three months na ang pinakamatagal niyang naka-relasyon noon.

Bilang payo sa mga manonod ng pelikulang Open, nag-iwan ng kaniyang opinyon si Ina tungkol sa kontrobersiyal na usapin na ito.

"Let's be honest, hindi lahat ng tao pare-pareho ang pananaw sa isang relasyon. Meron talagang very open minded, meron talagang sagrado. So may mga tao talagang experimental. And why would we judge them? So may mga tao talagang bago siya mag settle down, gusto niyang to be with someone at the same time she wants freedom. So it does happen," paliwanag ni Ina.

 

 

Isa sa mga cast members si Ina ng Open, kung saan ay pinagbibidahan nila JC Santos at Arci Muñoz. Mapapanood ang Open, bilang isa sa mga entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019.