Louie Ocampo, nag-sorry dahil “composer lang” siya

Ito ang naging pahayag ni Louie Ocampo matapos ang kontrobersyal na tweets ng isang Tawag ng Tanghalan contender.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/3/2019 2:22 PM
Louie Ocampo, nag-sorry dahil “composer lang” siya


Photo credit: Rhia Diomampo Grana

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang tweet ng Tawag ng Tanghalan contender na si Shantal Cuizon kung saan sinabi niyang “Composer ka lang." Humingi naman ito kalaunan ng tawad kay punong hurado Louie Ocampo, na isa namang batikang composer.

“Gusto ko pong mag-public apology kay sir Louie Ocampo. Thank you po kasi kahit ano po iyong nararamdaman ninyo [ay] hindi niyo pa rin ako gi-nong,” aniya.

READ: “Tawag ng Tanghalan” finalist publicly apologizes to Louie Ocampo for insensitive tweet

Noong Sabado ay wala naman si Ocampo sa programang It’s Showtime. Nang maging hurado na ulit siya nitong Lunes, Setpyembre 2, ay inasar siya ni Vice Ganda at sinakyan naman niya ito at pabirong sinabi na “Sorry, composer lang ako” at nagbigay komento na sa naging performance ng mga contenders.

Hindi naman na nakapasok si Shantal sa grand finals ng Tawag ng Tanghalan matapos matalo sa quarter four semi-finals.