• Home
  • Fresh Scoops
  • Kiko Estrada on Devon Seron: ‘I do see her in my future and I hope she’s the one’

Kiko Estrada on Devon Seron: ‘I do see her in my future and I hope she’s the one’

Kiko Estrada, nakikita sa future si Devon Seron at umaasang siya na ang kanyang ‘the one.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/3/2019 2:54 PM
Kiko Estrada on Devon Seron: ‘I do see her in my future and I hope she’s the one’


Photo credit: @jasondiazejercito IG

Sa Tonight with Boy Abunda, sabay sumalang sa hot seat ang Pamilya Ko co-stars na sina JM De Guzman at Kiko Estrada.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng anniversary sina Kiko at ang girlfriend nito na si Devon Seron. “It’s just a blessing for me, Tito Boy. Every moment with her is a blessing,” ani Kiko na binati ng host para sa kanilang anniversary.

READ: Devon Seron and Kiko Estrada celebrate their anniversary as a couple

Inamin din ni Kiko na naiisip din niya ang pagpapakasal kay Devon. “Yes. To be honest Tito Boy, hindi naman ako magkaka-girlfriend kung hindi ko sila nakikita sa future ko. That’s so disrespectful naman to her and I do see her in my future and I hope she’s the one,” sabi ni Kiko.

Pero ganunpaman, hindi daw nagmamadali ang binata at ayaw niyang pangunahan ang mga bagay. “But I don’t want to preempt anything … enjoy the moment and I’m enjoying the moment with this wonderful woman,” aniya.

Pinapili naman si JM kina Ria Atayde, Alyssa Muhlach, at Arci Munoz kung sino ang balak ligawan ng aktor na ngayon ay single. “Lahat po ng mga nabanggit ninyo mga suntok sa buwan na pangarap…Trabaho po muna,” ani JM.

Inamin din niya na napag-uusapan nila ni Sylvia Sanchez si Ria, pero hindi raw sa aspeto ng love. “Lagi naman naming napag-uusapan si Ria pero hindi naman po sa ganong aspeto. Lagi naman po kaming nagkukwentuhan,” paliwanag ni JM. 

WATCH: Sylvia Sanchez, pabor nga ba para kay JM de Guzman at Ria Atayde?

Birthday na ni JM ng September 9 at wish daw niya ang “new house for my family.”