Kapamilya stars, humanga sa ganda ni Liza Soberano

Mainit ngayon sa social media ang bagong Instagram post ng aktres na si Liza Soberano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/3/2019 5:18 PM
Kapamilya stars, humanga sa ganda ni Liza Soberano


Photo credit: @lizasoberano IG

Mainit ngayon sa social media ang bagong Instagram post ng aktres na si Liza Soberano.

Sa nasabing post nitong Martes, makikita ang isang larawan ng “Alone/Together” star kuha mula sa kanyang photoshoot kasama ang celebrity photographer na si Dookie Ducay kamakailan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Wherever life plants you bloom with grace.” 🌸🌷

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano) on

 

“Wherever life plants you bloom with grace,” ani Liza sa caption.

Sa comments section, hindi mapigilan ng ilang Kapamilya stars na humanga sa ganda ni Liza, kabilang na sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Angelica Panganiban, at nobyo nitong si Enrique Gil.

Maging sina Yassi Pressman, Michelle Vito, at Kamille Filoteo ay napa-react din sa post na ngayon ay may higit na sa 350,000 “likes” at 5,000 comments mula sa kanyang followers.

Disyembre ng nakaraang taon nang pinangalanan si Liza bilang isa sa 100 Most Beautiful Faces of the year ng British Independent Critics. Kasama niya sa listahan ang “Wonder Woman” star na si Gal Gadot, pop singer na si Selena Gomez, at “Game of Thrones” actress na si Emilia Clark.