• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time

‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/3/2019 9:15 PM
‘Hello, Love, Goodbye’ isa na sa highest grossing Filipino movies of all time


Bumuhos ang emosyon ng mga bituin ng “Hello, Love, Goodbye” sa pangunguna nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Sa naganap na thanksgiving party ng pelikula ngayong gabi, September 3, buong puso ang naging pasasalamat ng all star cast para sa naging tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye” na sumampa na sa halos isang bilyong piso.  

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

“Hello, Love, Goodbye” isa na sa highest grossing Filipino movie of all time #hellolovegoodbye #hellomuchloveworld

A post shared by Push (@pushalerts) on

 

“We're really thankful, beyond thankful kasi sabi ni nga sobra sobra ‘to sa pinagdasal namin hindi ko alam na pwedeng mangyari ‘to and nakaka overwhelmed po,” ani Kathryn.

Gaya ng aktres, todo pasasalamat din si Alden sa tagumpay na narating ng kanilang pelikula.

“Sobrang pasasalamat po namin sa lahat ng nanood, siyempre sa Diyos, sa pagbibigay sa amin ng motivation ng effort para mapaganda namin ‘yung pelikula. And now ito nga considered pa as one of the highest grossing Filipino movie of all time nakaka-overwhelm,” sabi pa ni Alden.

“Parang every week may announcement, parang every week kami lumulutang,” patuloy pa ng aktor.

Bukod kay Alden at Kathryn, pasasalamat din ang ipinaabot ng direktor na si Cathy Garcia-Molina sa kanyang mga artista na itinuring na din niya na kanyang pamilya.

“This is why I am proud whenever we make a film, we don’t just make films, we create a family and we just don’t create stories for you to watch, we create our own stories, stories of friendship and love," pahayag ng direktor.

Dito, paulit-ulit na pinuri ng direktor si Alden at Kathryn dahil sa determinasyon ng mga ito para sa kanilang mga roles.

“Thank you very much Alden, you are one of the most mabait and humane persons na nakasama namin sa set. And thank you for the trust,”sabi pa ni direk Cathy.

“To my bebe girl, you have grown. And I am very proud of you, to be part of that growth and maturity that you have right now. And Kathryn is Kathryn already!” dagdag niya.