• Home
  • Fresh Scoops
  • Elmo Magalona, malaki ang pasasalamat sa mga natutunan kay Janella Salvador

Elmo Magalona, malaki ang pasasalamat sa mga natutunan kay Janella Salvador

Ibinahagi din ni Elmo ang kanyang mga natutunan sa naging hiwalayan nila ng dating ka tandem na si Janella Salvador.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/3/2019 2:09 PM
Elmo Magalona, malaki ang pasasalamat sa mga natutunan kay Janella Salvador


Photo credit: @elmomagalona and @superjanella IG

Sa kabila ng naging hiwalayan ni Elmo Magalona at ng dating kapareha na si Janella Salvador, isang bagong Kapamilya teleserye ngayon ang kabibilangan ng Kapamilya star. Isa si Elmo sa mga bida ng “A Soldier’s Heart,” kasama si Gerald Anderson.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Team Charlie reporting for duty.

A post shared by Poquito (@elmomagalona) on

 

Ayon kay Elmo, marami siyang ipinagpapasalamat dahil sa mga natutunan niya sa pinagsamahan nila ni Janella.

“I think it’s just really a change of mindset. I’m not saying na hindi siya nakatulong sa akin, it’s still part of my growth na I went through that, but this time I think it’s just a phase that an artist goes through,” tugon ni Elmo sa panayam.

READ: Janella Salvador at Elmo Magalona, nagkitang muli matapos ang kontrobersya

Bukod sa teleserye, haharapin din ni Elmo ang bagong musika kasabay ng muling pagsigla ng kanyang showbiz career.

“We have to go through things talaga and I’m happy na I’m busy with something. With my music, mayroon ako nilabas na single, medyo recent lang a few weeks ago. Maganda ang outcome niya,” pagbibida pa niya sa bagong awitin na “Crush.”

Ano man daw ang pagdaanan na pagsubok, natutunan din ni Elmo na mahalin ang kanyang propesyon.

“I’m still happy that I’m given the chance to still do my job,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, nasasabik na si Elmo sa kanyang mga bagong proyekto na haharapin sa Kapamilya network.