• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bables dismisses comparison in acting with The Panti Sisters co-actor Paolo Ballesteros

Christian Bables dismisses comparison in acting with The Panti Sisters co-actor Paolo Ballesteros

Ine-enjoy lang daw ni Christian Bables ang kanyang role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/3/2019 11:17 AM
Christian Bables dismisses comparison in acting with The Panti Sisters co-actor Paolo Ballesteros


Parehong Gawad Urian awardees sina Paolo Ballesteros at Christian Bables na bida ng pelikulang The Panti Sisters na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa September. Tinanghal na Urian best actor si Paolo para sa pelikulang Die Beautiful noong 2017 kung saan nanalo ring best supporting actor si Christian sa Urian.

Sa pelikulang Signal Rock, entry ng Regal sa PPP last year ay kinilala namang best actor si Christian ng Famas. Pareho na silang may best actor trophy.

Handa na ba siyang pagkumparahin ng mga tao ang kanilang acting sa The Panti Sisters since pareho na silang lead actors sa pelikula?

 

“Kalimutan na yang mga ganyang best actor award. Basta, nag-enjoy ako. I gave my best and sila din,” matipid niyang reaksyon.

“I think walang anumang award ang makakatumbas no’n, sa joy na nabigay sa amin nung mga role namin,” dagdag niya.

Nadagdagan pa ang award ni Christian nang bigyan siya ng Bright Star Award in the 2019 Asian Pop Up Cinema in Chicago para rin sa pagganap niya sa Signal Rock.

Ang importante, ayon kay Christian ay ang na-maintain nilang friendship ni Paolo at hindi ang kung anumang kompetisyon sa pag-arte. Nagsimula ang friendship ng dalawa nung nakasama niya si Paolo sa MMFF film na Die Beautiful.

“Yon ang maganda, never siyang nawala. Mas na-develop pa yung rapport namin. Kasi iba kapag kaibigan mo na yung kaeksena mo lalo na sa comedy. Sobrang nabe-blend,” wika pa niya.

When asked kung sa palagay ba niya ay mas magaling siya sa The Panti Sisters kesa sa Die Beautiful, ang reaksyon ni Christian, “Mas magaling? Ah, same yung effort na inano ko, same yung amount of passion na binuhos ko sa Die Beautiful at ngayon dito.

“Same lang, eh. I see to it na I give my 500 percent or 600 percent maybe sa lahat ng mga ginagawa ko. Pareho sila ng level but different character, different preparation,” paliwanag ng aktor.

Ipinagmalaki rin ng aktor na dapat abangan ang karakter nilang tatlo (including Martin del Rosario) sa pelikula pati na ang mensaheng ihahatid ng pelikula sa moviegoers.

“Ituturo namin sa inyo kung papaano ang acceptance at respeto sa ibang tao lalo’t higit sa sarili ay itinuturo sa loob ng tahanan. Don ako proud sa pelikulang ito. Sobrang klaro yon sa akin,” pagmamalaki pa niya.

Ang The Panti Sisters ay handog ng Blacksheep, Quantum at Idea First Company mula sa direksyon ni Jun Lana.