• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng litrato si Carlo Aquino kasama ang kanyang napapabalitang kasintahan na si Trina Candaza.

Carlo Aquino, nag-post ng litrato kasama ang napapabalitang nobya

Sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng litrato si Carlo Aquino kasama ang kanyang napapabalitang kasintahan na si Trina Candaza.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

09/03/2019 04:45 PM
Carlo Aquino, nag-post ng litrato kasama ang napapabalitang nobya
Photo credit: @trinacandaza and @jose_liwanag IG

Sa unang pagkakataon ay nagbahagi ng litrato si Carlo Aquino kasama ang kanyang napapabalitang kasintahan na si Trina Candaza.

Makikita ang larawan sa Instagram Stories na ibinahagi ng aktor kung saan pinasalamatan niya ang nasabing modelo sa regalo nito para sa kanyang ika-34 kaarawan ngayong Martes, September 3. 


Hunyo nitong taon nang unang mapabalitang nagdi-date ang dalawa. Hindi pa man inaamin o itinatanggi ng dalawa ang kanilang relasyon ay minsan nang inamin ni Carlo na masaya siya sa piling ni Trina.