• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, emosyonal na ipinaliwanag ang isa niyang Instagram post tungkol sa kaniyang love life

Arci Muñoz, emosyonal na ipinaliwanag ang isa niyang Instagram post tungkol sa kaniyang love life

Paliwanag ni Arci Muñoz sadyang naiyak siya dahil sa naging wish ng kaniyang ina para sa kaniyang love life, at hindi dahil siya ay broken hearted.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/3/2019 1:15 PM
Arci Muñoz, emosyonal na ipinaliwanag ang isa niyang Instagram post tungkol sa kaniyang love life


Photo credit: @ramonathornes IG

Matapos maging usap-usapan ang kamakailan na Instagram post ni Arci Muñoz, emosyonal na ipinaliwanag ito ng Kapamilya actress ng humarap sa press nitong Huwebes, Agosto 29.

"Siguro naman, all of our mothers wanted us to have - siyempre nanay 'yun e. Siyempre she wanted me to find someone who will really take care of me and love me the way that I am," paliwanag ni Arci habang naiiyak. 

Naging kuwestyon para sa mga netizen ang naturang post ni Arci, kung saan ay ibinahagi niya ang isang "wish" ng kaniyang ina habang sila ay nasa bakasyon sa Japan. "I wish Mona will [be] blessed with a loving and caring partner in life," ayon sa photo ng Instagram post na sulat di umano ng ina ni Arci.

Dahil dito, maraming netizen ang nagtaka kung single na nga ba ulit si Arci. 

READ: Is Arci Muñoz single again?

"Naiiyak ako kasi yung mommy ko very thoughtful. Hindi ako naiiyak dahil heartbroken ako. Na-touch kasi ako kasi I didn't expect that from my mom, 'cause we really don't talk about relationships that much," paliwanag ni Arci. 

"Baka nawawalan na ng pag-asa yung nanay ko," pahuling biro ni Arci, matapos ibahagi ang pagiging maybahay na ng kaniyang dalawang nakatatandang kapatid. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tourist photos with okasan. Glad I booked the group tour for kyoto. Sulit!! Parang field trip! :) #Kinkaku-ji

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

 

Samantala, umani ng papuri si Arci mula sa kaniyang mga co-actors para sa kaniyang pagganap sa pelikulang Open. Ayon kina JC Santos, Ina Raymundo, at Vance Larena, maaaring makatanggap pa si Arci ng parangal dahil sa kaniyang performance sa naturang pelikula. 

"Ayoko pong umasa, nasasaktan po ang mga umaasa. Pero bilang artista po masaya po ako sa naging kalabasan po ng pelikula, sa trailer pa lang," sagot ni Arci sa press. 

Bida si Arci sa pelikulang Open, kung saan ay katambal niya si JC Santos. Mapapanood ito bilang isa sa mga entries ng Pista Ng Pelikulang Pilipino, sa September 13.