“Nakakaiyak.. Nakakalungkot.. Pero maraming salamat sa lahat ng nag mahal sa show namin na Los Bastardos! Lahat ng hirap at pagod namin dito ay worth it dahil sa suporta niyo! Kahit na tapos na yung show namin na ito, di ko parin makakalimutan yung alaala at pagmamahal na nabuo namin sa set na it,” sabi pa ni Marco sa post.
“Mahal ko kayong lahat! Sa lahat ng directors, staff, artists, crew, MARAMING SALAMAT sa inyo! Kahit minsan, di ko naramdaman na nag t-trabaho ako pag nasa set ako, kasi napakasaya niyong lahat kasama. I hope this won’t be our last! Till next time.”
Pinasalamatan rin ni Marco ang Kapamilya executives na nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktor.
“At sa ABS-CBN, maraming salamat sa oportunidad na ito.. sa lahat ng boss namin, thank you! Kay tita Cory, direk Lauren, sir CLK, @rgedramaunit, direk @rekdibayani, Mamu, @louverasuncion and everyone else, SALAMAT! We will forever be grateful! It’s been one hell of a run! Pero sabi nga nila, all good things must come to an end,” aniya.
Special mention rin ang kanyang mga naging kapatid sa Los Bastardos na naging kapatid na rin ng aktor sa tunay na buhay.
“Thank you Lord sa lahat! Take a bow my brothers, Jake Cuenca, Joseph Marco, Albie Casiño, Joshua Colet. It’s an honor to have shared the stage with you guys! Can’t wait for February Matteo Cardinal, signing off.”
Bukod kay Marco, namaalam na rin sa kanilang karakter ang kanyang mga naging kapatid sa programa na sina Jake Cuenca, Joseph Marco, Albie Casiño at Joshua Colet.