• Home
  • Fresh Scoops
  • Louise Abuel on kissing scene with Ella Cruz: ‘Wow, lalaki na ako!’

Louise Abuel on kissing scene with Ella Cruz: ‘Wow, lalaki na ako!’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/29/2019 10:17 AM
Louise Abuel on kissing scene with Ella Cruz: ‘Wow, lalaki na ako!’


Photo Credit: @louiseabuel @ellacruz on IG

Masaya ang mga bida ng Cinemalaya film na Edward na sina Ella Cruz at at Star Magic artist Louise Abuel na magkakaroon ng theatrical release ang kanilang critically-acclaimed movie. Ire-release ng Viva Films ang Edward at mapapanood ito sa mga sinehan simula October 2.

Louise is only 15 years old, pero sa Edward ay napasabak agad siya sa kissing scene with Ella. Ano ang naging pakiramdam niya dito?

“Hindi ko po alam ang feeling, hindi ko po alam ang nararamdaman ko nu’ng oras na yun,” natatawang sagot ng binatilyo.

Hindi rin niya maipaliwanag kung nasarapan ba siya o may kakaibang naramdaman habang hinahalikan ni Ella?

“Ah, okey. Yon pala ‘yun. Kasi hindi ko po talaga alam kung anong mararamdaman ko kasi halu-halo po. Kasi siyempre iniisip mo na trabaho lang ito. Kailangang gawin para sa art at sa pelikula. Ewan, hindi ko po talaga alam ang mararamdaman ko,” dagdag niyang pahayag.

Kuwento pa nga ni Ella, pagkatapos daw kunan ang naturang eksena ay napansin niyang natulala si Louise.

“Parang nakakailang lang, kasi nahiya po ako kay Ate Ella,” rason pa ni Louise.

Eh, ano naman ang ang reaksyon ng kanyang parents na at his young age ay may kissing scene agad siya sa pelikula?

Natatawa niyang kuwento niya, “Sa totoo lang po, sobrang excited nila para sa film, mas excited pa nga sila kaysa sa akin. Sila po ‘yung unang nakabasa ng script bago po ako.

“Nu’ng pinapanood na po namin ‘yung film tapos kasama ko po sila, nu’ng mag-start na ‘yung kissing scene hindi po ako nanood as in nakayuko ako. Sumilip lang po ako pero promise hindi ko po pinanood.”

Pakiramdam din daw ni Louise ay binata na siya at matured na nung ma-experience niya ang first kiss on and off screen kay Ella sa Edward.

“Wow, lalaki na ako, matured na ako. Hahaha!” reaksyon pa niya na natatawa.

Patuloy ng binatilyo, “Kasi po itong pelikulang Edward lang ang nagpakitang teenager na ako, the rest po kasi puro noong bata pa ako. So first time akong makikita rito sa pelikulang teenager na ako.”

Ini-reveal din sa amin ni Louise na iisa lang ang hinahangaan at crush na crush niyang artista ngayon. Ito raw ay si Liza Soberano. Pero aniya, hindi raw muna siya nagseseryoso sa pagkakaroon ng crush. Wala pa rin daw siyang balak manligaw ngayon.

Samantala, ang Edward na sinulat at idinirek ni Thop Nazareno ay tinaguriang “coming-of-age movie” na sumasalamin sa healthcare system at sa government-funded hospitals sa Pilipinas. Ipinakikita ng pelikulang ito ang katotohanan na sa halip na maging komportable ang mga may sakit, ang kakulangan sa mga medical staff at ang mga sirang kagamitan ay mas nagpapahirap sa kalagayan ng mga pasyente at sa kanilang mga bantay.