Iconic na gamit ni Regine Velasquez, muling naibalik

Puspusan na rin ang paghahanda ni Regine Velasquez sa kanyang back to back concert kasama si Sharon Cuneta.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/29/2019 1:57 PM
Iconic na gamit ni Regine Velasquez, muling naibalik


Maraming fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez ang labis na natuwa sa muling pagbabalik ng iconic metal corset costume sa singer na likha ng namayapang designer na si Eddie Baddeo.
 
Sa naging panayam kay Regine, pinasalamatan niya ang veteran Public Relation practitioner na si Chuck Gomez na gumawa ng paraan muling mapasakanyang kamay ang metal corset na kanyang sinoot noon sa top grossing album niya na R2K.


 

Photo courtesy Calvin Neria Facebook
 
“Oo pinagkagastusan nga ‘yun ni Chuck Gomez. natuwa naman ako actually nagulat nga siya na hiningi ko e binili niya ‘yun e’, tapos nalaman ko kakamatay lang din ni Eddie Baddeo who was the designer of that. So I was happy and sad kasi nga I found out that Eddie passed away but andon pa rin siya sa actual mannequin kung saan siya nakalagay,” kuwento pa ni Regine sa naging panayam.
 
Bukod sa pagkakabalik ng kanyang corset, excited rin na naghahanda ngayon si Regine sa kanyang nalalapit na two-night concert kasama si Megastar Sharon Cuneta.
 
“Siyempre excited ako bilang alam niyo naman na Sharonian ako. I’m also excited for the repertoire na inihanda namin for everyone,” sabi pa ni Regine.
 
Marami rin ang nakakapansin ngayon sa pagbabawas ng kanyang timbang. Aniya, isa ito sa kanyang ginagawang paghahanda para sa concert.
 
“Kasi alam mo tuwing magko-concert, I really need to be fit, syempre kasi mahirap mag concert, kaya lang unfortunately kapag nagko-concert ako, dati kasi wala pa akong ASAP, hindi pa ako kumanta once a year lang ako kumakanta para mag concert so nahihirapan ‘ ung boses ko so after lagi akong tumataba kasi ang steroids ako,” paliwanag ni Regine.
 
“E ngayon hindi ko na kailangan mag steroids kasi kakanta ako nang kakanta, wala na siyang choice (laughs) kasi every Sunday I get to sing.”
 
Sa darating na October 18 and 19 gaganapin ang Iconic concert ni Sharon at Regine sa Smart Araneta Coliseum.