• Home
  • Fresh Scoops
  • Dual citizenship ng Pinay beauty, issue ngayon sa Miss Tourism International pageant

Dual citizenship ng Pinay beauty, issue ngayon sa Miss Tourism International pageant

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/29/2019 10:30 AM
Dual citizenship ng Pinay beauty, issue ngayon sa Miss Tourism International pageant


Photo Credit: @tyragoldman @ms.payumocyrille on IG

Naglabas ng kanilang opisyal na pahayag ang Mutya Pilipinas Organization tungkol sa naging pag-kuwestyon ng Miss Tourism International Organization sa Pinay beauty na si Tyra Goldman.

Si Tyra Goldman ang hinirang na pambato ng Pilipinas sa Miss Tourism Interantional na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong November.

KILALANIN: Mga bagong reyna ng Mutya Pilipinas

Kaugnay ito ng pagkakaroon ng dual-citizenship ng Pinay beauty na isa sa mga bagong patakaran ng beauty pageant.

"Mutya Pilipinas recently announced that due to the new policy of the Miss Tourism International Pageant in Kuala Lumpur, Malaysia, and in compliance with their latest rule, being ‘naturally-born in the country the candidate represents and no-dual citizenship,’” bahagi pa ng statement.

Dahil sa hindi inaasahan na pangyayari, ang First runner-up na si Cryrille Payumo ang ipapadala ng Mutya Pilipinas sa Miss Tourism International competition.

“Miss Cyrille Payumo, First Runner Up will replace Miss Tyra Goldman in the November 2019 Competition.

“We respect the rules of the Organization and assure them of our 100% compliance,” said Cory Quirino, President of Mutya Pilipinas after her telephone conversation with Tan Sri Datuk Danny Ooi, President of the Miss Tourism International Pageant.

“However, so as not to deprive Ms. Goldman of her opportunity to compete, we are presently studying possible options for her in other respectable international competitions. She is a gem of a beauty queen who can proudly and ably represent the Philippines.”

Taong 2017 ng huling nasungkit ni Jannie Alipo-on ng Pilipinas ang pang-apat na korona ng Miss Tourism International pageant.