• Home
  • Fresh Scoops
  • TNT Grand finalists, ibinahagi ang nabago sa kanilang buhay ng kompetisyon

TNT Grand finalists, ibinahagi ang nabago sa kanilang buhay ng kompetisyon

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

9/28/2019 1:30 PM
TNT Grand finalists, ibinahagi ang nabago sa kanilang buhay ng kompetisyon


Sumabak sa media interview ang mga grand finalists ng “Tawag ng Tanghalan” at game na sumagot sa mga naging tanong sa kanila.

Kabado man, maayos pa rin na naitawid ng mga future singers ang mga naging katanungan sa kanila.

Una na rito si John Mark Saga ng Luzon na tumaas ang tiwala sa sarili dahil sa pagsali sa “Tawag ng Tanghalan” dahil sa kanyang pagiging mahiyain.

“Yung self esteem ko po sobrang baba po nya, and since joining the show sobrang nag improve po ang confidence ko and I started to believe in myself,” sabi pa ni John Mark.

Si Kim Nemenzo naman ng Visayas, inilarawan rin kung paano nabago ng “Tawag ng Tanghalan ang kanyang buhay.

“Napaka magical ng mga nangyayari sa buhay namin ngayon, especially yung mgakaroon ka ng kompiyansa sa sarili mo dahil sa mga positive comments na iniwan ng ating mga hurado and our madlang people.”

Tulad ni John Mark at Kim, malaki rin ang nabago ngayon sa buhay ni Elaine Duran ng Mindanao na ngayon palang na eenjoy ang instant na kasikatan at maraming imbitasyong kumanta matapos mapanood sa telebisyon.

“Ang dami na po talagang nangyari. Dati hindi ka po napapansin pero ngayon napapansin ka na. Marami na rin akong gigs, marami nang kumukuha sa akin. And of course, tumataas din yung rate mo as a performer, yun din naman ang maganda and of course tumataas din ang rate mo as a performer,” sabi pa ni Elaine.

Hindi man palarin na masungkit ang titulo, nanatiling panalo ang mga “Tawag ng Tanghalan” finalist dahil sa kanilang mga napatunayan sa program.