• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual, aminadong adik sa pag maintain ng pangangatawan

Piolo Pascual, aminadong adik sa pag maintain ng pangangatawan

Ibinahagi rin Piolo Pascual ang ilan sa kanyang fitness goal.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/28/2019 1:21 PM
Piolo Pascual, aminadong adik sa pag maintain ng pangangatawan


Sa kabila ng limitadong schedule ng aktor na si Piolo Pascual para sa kanyang balik-pelikula kasama si Claudine Barretto, balik takbo rin ngayong taon ang aktor para sa SunPiology Xone 2019.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Piolo Pascual at the #SunpiologyXone presscon

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on

Ito ang ika-labing-isang taon ni Piolo bilang aktibong advocate ng taunang fun run. Kaya naman, hinding hindi raw niya ito papalagpasin.

“I am always committed to do a marathon, which I haven’t done because of maraming labada, so ngayon I’m 42, I’m doing a 42 at 42 km,” sabi pa ni Piolo.

At dahil sa kanyang edad ngayon, naging biruan rin kung hindi pa rin ba siya nakakaramdam ng pagod sa tuwing nag e-exercise.

“Hinahanap e, actually kanina pag gising ko tumakbo ako, nag boxing ako at nag badminton ako bago ako pumunta rito, hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko,” sabi pa ni Piolo.

Kuwento pa ni Piolo, parte na ng kanyang routine ang pagpapanatili ng kanyang fit na katawan.

“I was telling nga to my trainer a while ago, lifestyle pala hindi na siya chores sa’yo kasi nakikita mo ang benefits nakikita mo ang advantage na you’re more... especially you’re getting older na sobrang sarap ‘yung mararamdaman mo afterwards,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Piolo “I got addicted to the feeling of the energy that I get from the happy endorphins na nakukuha ng mga athlete ‘pag nag train.”

“So hindi siya nakakapagod, nakaka revive siya actually,” pahayag pa ng aktor.

Kasabay ng pag maintain ng kanyang alindog, tutok rin ngayon si Piolo sa kanyang nalalapit na pag byahe sa Florence, Italy para sa kanilang pelikula ni Claudine Barretto.