• Home
  • Fresh Scoops
  • Jerome Ponce, meron kakaibang ginawa para sa kanyang gay role sa ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’

Jerome Ponce, meron kakaibang ginawa para sa kanyang gay role sa ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’

Jerome Ponce, nag-research para tama ang pagganap niya bilang isang gay na karakter.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2019 11:57 AM
Jerome Ponce, meron kakaibang ginawa para sa kanyang gay role sa ‘Ang Henerasyong Sumuko sa Love’


Photo Credit: @mrjeromeponce on IG

Hindi na bago para kay Jerome Ponce ang gumanap ng gay role dahil nagawa na niya ito sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) ng ABS-CBN. Pero may kaibahan ang gay role ni Jerome sa MMK kumpara sa pino-portray niya sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko sa Love ng Regal Entertainment.

“Naka-make-up ako at totally out yung kabadingan sa MMK nung ginawa ko yon. Dito sa movie, discreet yung pagiging gay ko,” deskripsyon ni Jerome sa kanyang character sa bagong pelikula.

Dagdag pa ng binata, meron din siyang eksena sa kapwa lalaki sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love na first time niyang ginawa.

“Ang dami kong nilunok… paninibago. Hindi ko kinaya pero masarap din na nagawa ko yun,” pag-amin niya.

Sa audition niya sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana ay hindi niya inisip na gay role ang ibibigay sa kanya until kausapin siya ng director at kumbinsihing gawin niya ang naturang role.

Kuwento pa niya, “Ang in-expect ko ay yung role na guy ang ibibigay sa akin kaya lang, hindi pala. Yung hindi ko in-expect, yon pa ang napunta sa akin.”

Bilang Denzel (name of his character sa film) ay hindi rin daw maiwasan na makaramdam siya ng inhibitions habang ginagawa ang pelikula.

“Natakot kasi ako na baka hindi maging tama ang pagpo-portray ko sa kanila. Minsan kasi, baka ma-exags,  ayoko namang makasakit ng  kapwa ko kung hindi maayos, kasi malaki ang respeto ko sa kanila,”  lahad pa niya.

Patuloy niya, “Mabuti na lang marami din akong kaibigang gays. Yung stylists na friends ko, actually, niyaya ko silang lumabas. Sila yung nagsasabi sa akin, mahirap palang maging gay. Mahirap pala talaga yung ganoon, lalo na yung kanilang pinagdadaanan. Nagpakuwento ako sa kanila, simula noong bata sila hanggang sa nag-out sila.”

Samantala, aware naman si Jerome tungkol sa isyung may mga lumalabas siyang nude photos sa internet.

“Ever since naman, tinatanong na yan. Laging may nagsasabi sa akin na, ‘Uy, may lumabas daw.’ Ha? Iniisip ko, hawak ko ba ang phone ko habang nasa CR ako? Parang hindi naman.

“So, confident ako at alam ko sa sarili ko  na hindi ako yon at wala akong ganun. Sure na sure ako don. Phone ko nga, wala, bakit magka karoon pa sa internet? Hindi ako ganung klaseng tao,” giit pa niya.

“Pero kung ipinipilit nila, eh, di akin na lang kasi almost yearly, may mga ganyan naman, eh. Pag malaki, akin yun, pero pag ano… joke lang,” huling hirit niya.

Bukod kay Jerome ay bida rin sa Ang Henerasyong Sumuko sa Love na showing na sa October 2 sina sina Tony Labrusca, Jane Oineza, Myrtle Sarrosa at Albie Casiño.