• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Gardo Versoza, di pa alam kung ano mangayayari sa kanyang karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

EXCLUSIVE: Gardo Versoza, di pa alam kung ano mangayayari sa kanyang karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Sa Lunes na ipapalabas ang bagong teleserye ni Gardo Versoza, ang ‘Sandugo’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/28/2019 12:22 PM
EXCLUSIVE: Gardo Versoza, di pa alam kung ano mangayayari sa kanyang karakter sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Hindi pa alam ni Gardo Versoza kung ano ang mangyayari sa character niyang si Lazaro sa FPJ’s Ang Probinsyano ngayong kasama rin siya sa bagong ABS-CBN series na Sandugo na pinagbibidahan nina Ejay Falcon at Aljur Abrenica.

Sa panayam ng PUSH kay Gardo ay nagpahayag ang aktor na sana raw ay hindi naman patayin agad ang kanyang karakter sa serye ni Coco kahit meron pa siyang isang show na nilalabasan.

“Harinawa. Sana huwag patayin,” sambit ng aktor. “Lalo na ngayon, kumbaga meron kaming parang love team ni LT (Lorna Tolentino), kumbaga, nae-enjoy ko siya. So, sana hindi naman patayin sa Probinsyano.”

So far, ay wala raw naman siyang natutunugan na mag-e-end na siya bilang kaalyansa ng karakter ni Lorna Tolentino at Baron Geisler.

“Sa ngayon wala pa naman, at sana matagal pa,” sabi ulit ng aktor.

Malaki rin ang pasalamat ng aktor na pagkatapos niyang mawala nang matagal sa ABS-CBN ay nabigyan ulit siya ng magagandang projects.

“Nagpapasalamat ako dahil, kumbaga matagal-tagal din na hindi ako nakalabas sa Kapamilya network, so very thankful ako sa ABS kasi nga magaganda at makukulay yung mga roles na binigay nila, eh. Praise the Lord, so kaya binibigay ko din naman yung very best ko.”

Patuloy ni Gardo, “Kay Coco nagpapasalamat din ako kasi siyempre, di ba, kumbaga siya rin naman ang may desisyon nito. Siyempre, di ba, bihira din yung parang mabigyan ka ng opportunity na mga ganyan tapos lalo na yung mapasama ka sa pinakamatagal na action series, so kahit papaano parang nakakabit ka na rin, kaya nagpapasalamat din ako nang malaki kay Coco.”

Eh, kumusta naman ang working experience niya with Lorna, John Arcilla and Baron Geisler na mas madalas niyang kaeksena sa Ang Probinsyano?

“Masaya yon, lalo na yung kay LT. Nung una, parang hindi naman ganun kaklaro na parang love triangle kami, pero do’n napupunta. Dati biru-biruan lang yon, tapos sabi ko, mukhang iba na yung… parang kinakagat ng televiewers yung love triangle namin ng president, so nakakatuwa.

“Sabi ko nga, sana magtagal pa at ma-develop pa yung characters ng dalawang pino-portray namin. Kasi kung kailan ako nagkaedad ng ganito, parang naging mas makulay pa yung love team,” natatawa niyang kuwento.

Dati raw kasi ay hindi naman siya nagkaroon ng ka-love team.

“Kasi noon, parang ipapartner ka lang, pero hindi kasing... na kagaya nito. Siguro malaking bagay na rin dahil sa social media na minsan sila pa talaga yung nagpu-push,” natatawang pagtatapos ni Gardo sa PUSH.