Inamin ng aktres na si Dimples Romana na napamahal na siya sa kanyang karakter bilang si Daniela Mondragon sa top rating Kapamilya series na Kadenang Ginto.
At kung masusunod, may hiling si Dimples na maging ending ng programa.
“Ayoko na nga matapos ang Kadenang Ginto sobrang pagmamahal ko sa character ko at sa mga kasama ko sa Kadena. Siyempre at the end of the day there’s peace between enemies... Romina and Daniela will always have fights but in the end they will realize they’re family,” sabi pa ng aktres.
Bukod sa Kadenang Ginto, masayang nagbigay update rin si Dimples sa 2019 Metro Manila Film Festival movie entry kasama si Vice Ganda at Anne Curtis.
Kuwento ni Dimples, aabangan ang bakbakan nila ni Vice sa kanilang mga eksena.
“Naku sorpresa pero masaya eh! The role is super fun and exciting at nakakatuwa lang kasi Pasko ito marami mapapasaya ang pelikula,” sabi pa niya.
Dahil sa buhos na blessings ngayon, ipinagmalaki din ng aktres kung saan napupunta ang kanyang pinagpapaguran sa trabaho.
“I am super super grateful na nakakapag pundar tayo alam mo naman sa trabaho natin. Nothing is permanent so I just want to make sure my money goes to na kikita pa lalo,” proud na kuwento ng aktres.
Sa ngayon, araw araw pa rin na napapanood si Dimples sa top rating afternoon serye.