Boy Abunda, nagbigay ng update tungkol kay Julia Montes

Ayon sa panayam kay Mylene Dizon, sinabi ni Boy Abunda na mukhang pabalik na ng Pilipinas si Julia Montes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/28/2019 6:42 PM
Boy Abunda, nagbigay ng update tungkol kay Julia Montes


Photo credit: @montesjulia08 IG (R)

Marami ang nasasabik sa pagbabalik telebisyon sana ni Julia Montes dahil matagal din siyang nagpahinga matapos ang kanyang teleseryeng Asintado. Ang huling balita ay nagpuntang Germany ang aktres at nagkaroon naman sila ng quality time ng kanyang ama.

Sa Tonight with Boy Abunda ay tinanong ang host na si Boy Abunda ng isang netizen kung ano ang latest update kay Julia.

“Dearest Tito Boy, I just wish to hear anything about Miss Julia Montes… I respect her privacy but sana lang we hear anything about her,” ani ng netizen.

Sinagot naman ng King of Talk ang fan at sinabing mukhang malapit na umuwi ng Pilipinas si Julia.

“Ang pinaka-latest na info po mga Kapamilya ay galing po sa kanyang former co-star na close friend ngayon si Mylene Dizon… Ayon sa panayam ni Mylene sa Philippine Daily Inquirer, nag-uusap pa rin sila ni Julia sa pamamagitan po ng Viber,” aniya.

“Ang sabi po ni Mylene, nakakatuwa nga eh dahil humihingi ng payo daw si Julia kung paano daw ang pagluluto ng manok at kung anong exercise ang dapat niyang gawin. Ang huling update kay Julia ayon kay Mylene ay nagbabakasyon parin ito sa Germany kung saan nakabase ang kanyang ama at ang magandang balita ay malapit na raw umuwi dito sa Pilipinas si Julia Montes,” dagdag ni Boy.

Pinuri naman ni Boy si Julia at sinabing miss na rin daw niya ang aktres