Yen Santos, bibida sa bagong pelikula

Isang pelikula ang handog ni Yen Santos para sa kanyang fans sa darating na Nobyembre.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/27/2019 5:10 PM
Yen Santos, bibida sa bagong pelikula


Photo credit: @ysantos on Instagram

Isang pelikula ang handog ni Yen Santos para sa kanyang fans sa darating na Nobyembre.

Dalawang taon matapos bumida sa pelikulang Northern Lights: A Journey to Love, balik big screen ang aktres sa OgieD at Lonewolf Film Productions na Two Love You, kasama ang Hashtags member na si Kid Yambao at komedyanteng si Lassy Marquez.

Sa Instagram, inanyayahan ni Yen ang kanyang mahigit isang milyong followers na suportahan ang kanyang bagong proyekto.

 

 

Matatandaang huling napanood si Yen sa sikat na Kapamilya teleserye na Halik bilang si Jacky Corpuz.  

Bukod kina Kid at Lassy, makakasama ni Yen sa Two Love You sina Arlene Muhlach, Lilieyen Santos, MC Calaquin, Dyosa Pockoh, at Elaine Yu. 

Sa direksyon ni Benedict Mique, na nasa likod ng Cinemalaya entry ML, at panunulat ni Ogie Diaz, Carlo Ventura, at Ronald Espinosa Batallones, mapapanood ang Two Love You sa lahat ng sinehan simula Nobyembre 13.