• Home
  • Fresh Scoops
  • Tony Labrusca explains why he is ‘not a boyfriend material’

Tony Labrusca explains why he is ‘not a boyfriend material’

Hindi pa handa sa ngayon si Tony Labrusca na magkaroon ng girlfriend.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/27/2019 12:05 PM
Tony Labrusca explains why he is ‘not a boyfriend material’


Kakaiba ang ipinakitang professionalism ni Tony Labrusca, isa sa mga bida sa pelikulang Ang Henerasyong Sumuko Sa Love ng Regal Entertainment nang magawan niya nang paraan na makahabol sa media conference ng pelikula mula sa kanyang trip abroad.

Nanggaling sa Seoul, South Korea si Tony pero binagyo ang lugar kaya muntik madelay ng isang araw ang flight niya pabalik ng Pilipinas. Naka-schedule ang presscon ng September 23 at ready na ang lahat including the catering. Mahihirapan nang i-move ito sa ibang date dahil maaapektuhan naman ang schedule ng ibang artists.

Pero para hindi na magulo ang maayos nang schedules, ginawan ito ng paraan para makakuha ng ibang tickets si Tony from Korea to Hong Kong to Manila para makarating siya ng 12 noon ng September 23 for the presscon.

During the question and answer portion ng Ang Henerasyong Sumuko sa Love presscon ay inamin ng aktor na hanggang ngayon ay wala pa rin daw siyang girlfriend. Mas inuuna daw niyang mahalin ang kanyang sarili pero hindi raw naman to the point na parang nagiging selfish na siya.

Wika ni Tony, “Know and love yourself first before you love anybody else. And you know, ang hirap kasi sa industriya natin na I don’t think umabot pa ako sa point na mahal na mahal ko talaga ang sarili ko.”

When asked kung may craziest thing na ba siyang nagawa sa buhay niya para sa pag-ibig ay wala pa naman daw. Nabanggit din ng binata na baka raw hindi talaga siya “boyfriend material.”

Lahad ni Tony, “Unfortunately, hindi po ako ganoon. Baka nga po hindi ako boyfriend material o whatever. But that doesn’t stop my personality, I don’t think it’s worth using myself just to make someone else feel alone.”

Ang maganda lang sa aktor, hindi raw siya namimili ng magiging mga kaibigan.

“I love being friends with people from all walks of life and I love accepting them. In our world, ang napansin ko, everybody wants to be heard but at the same time, napaka-sensitive na natin, ‘di ba? Everybody has something to say, but when you say that, there’s some people don’t like what you said.

“But the people who don’t like what you said has also something to say. Naaapektuhan ako na ang feeling ko masyado ng nagiging evil ang world natin. I think social media plays a huge part of that. For me, the hate I see online honestly breaks my heart kasi ako bilang open-minded na tao.

“I just do share same sentiments na for me, I don’t care what my friends are into it, I respect that.  So, for me I just wish that people would be a little bit more understanding because everybody wants to be heard, everybody wants to be understood but nobody wants to listen,” tuluy-tuloy niyang paliwanag.

Ipapalabas na ang Ang Henerasyong Sumuko sa Love on October 2. Ang pelikula ay mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.