SB19 members, bawal bang magkaroon ng love life?

MNL48, Sarah Geronimo, at Iñigo Pascual ang ilan sa mga binanggit ng SB19 na gusto nilang maka-collaborate.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/27/2019 5:54 PM
SB19 members, bawal bang magkaroon ng love life?


Pinili na huwag muna magkaroon ng love life ang mga miyembro ng breakthrough P-pop idol group na SB19. Sa kanilang interview sa PUSH Bets Live nitong Miyerkules, ipinaliwanag ng grupo kung bakit umiiwas sila sa kani-kanilang love life.

"Siguro po kasi choice din namin na hindi magfocus sa [love life] po.  Para magkaroon po kami ng chance na ma-develop 'yung chemistry namin as a group, magkaroon kami ng time sa isa't-isa and makapag-focus talaga kami sa training para po sa improvement," paliwanag ni SB19 member Justin.

Naging laman ng mga balita kamakailan ang malakas na pagtanggap ng Filipino fans sa grupo simula nang i-launch sila nitong Agosto. Nag-trending din online ang inilabas na dance practice video para sa kanilang bagong kantang 'Go Up'.

Sa parehong interview, ibinahagi rin ng grupo ang pinagdaanang 'intense training' nang halos apat na taon, sa ilalim ng Korean company na ShowBT.

"May mga times na tinatamaan din kami ng depression. Isipin mo four years 'yung ginagawa namin, walang kasiguraduhan. Parang 'yung field na 'to bago sa Pilipinas, parang bagong-bago na hindi namin alam kung ma-a-accept ba kami ng mga tao. Suntok sa buwan kumbaga. Siyempre nandiyan talaga 'yung panghihinaan ka ng loob."

"Pero at the end of the day kapag nag-uusap-usap na po kami, sinasabi namin 'Kaya natin 'to, guys. Nandito na tayo bakit pa natin [aayawan]?'" kuwento ni Josh.

Panoorin ang buong interview dito:

Nang tanungin kung sinu-sino sa mga local artists ang gusto nilang maka-collaborate sa isang performance o single, binanggit nila ang girl group na MNL48, at solo artists na sina Sarah Geronimo, at Iñigo Pascual.

 

 

Binubuo nina Sejun, Josh, Stell, Ken at Justin ang SB19.