• Home
  • Fresh Scoops
  • Ejay Falcon, nag-react sa pagkumpara ng ‘Sandugo’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ejay Falcon, nag-react sa pagkumpara ng ‘Sandugo’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Ejay Falcon, pinaka-challenging role na daw ang ‘Sandugo’

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/27/2019 12:01 PM
Ejay Falcon, nag-react sa pagkumpara ng ‘Sandugo’ sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’


Photo credit: @ ejaythefalcon on Instagram

Ayon kay Ejay Falcon, ang teleseryeng Sandugo ang pinakamahirap na teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN. Deskripsyon pa nga ng aktor, ibinuhos niya raw ang lahat sa Sandugo.

“Kasi ito yung pinaka-challenging. Sobrang challenging talaga nung project na ito para sa akin. So, yung ipagkatiwala nila ito sa akin, eh, kailangan mong ibalik sa kanila. At talagang yung mga eksena namin, ang bibigat lalo na yung mga week 2, 3, mas matindi pa yon, ibang klase,” pahayag ni Ejay sa aming interview.

Hindi ba sila napi-pressure na baka mai-compare ang teleserye nila sa FPJ’s Ang Probinsyano? May mga nagsasabing ang Sandugo raw ang afternoon version ng Ang Probinsyano na isang action drama series din.

“Actually, nakakataba ng puso na ma-compare kami don sa Ang Probinsyano kasi alam nyo naman yung… napakahuhusay ng mga artista don at saka dekalidad yung project na yon. Para maikumpara kami sa kanila, eh, sobrang ganda rin siguro ng show namin at na-appreciate nila yon.

“Pero yon nga, yung Probinsyano, ano namin, yon, eh, kumbaga, yon yung kuya ng mga action-drama series at parang kami yung mga junior. Nagpapasalamat kami na ginawa yung Probinsyano at nung ginawa yon mas nagkaroon ng pagkakataon na makagawa din kami.

“Kasi di ba, nagre-rate yung action, don nila nakita, so nabigyan kami ng chance na, ‘Uy, ba’t di pa tayo gumawa’ at mag-produce ang ABS ng mga ganitong show na tinatangkilik ng mga tao. So, sobrang thankful namin sa Probinsyano at nag-guest din naman kami don, pareho kaming nag-guest ni Aljur (Abrenica) sa show,” paliwanag ng aktor.

Pakiramdam ba niya ay nag-level-up din ang acting na ipinakita niya sa Sandugo? Mas magaling ba siya sa bagong serye?

“Opo, masasabi ko talaga. Pero yung term siguro is mas matured na Ejay yung makikita niyo dito. Yung sa fight scenes, sa delivery nung mga eksena, yung intensity, masasabi ko na this time, eh, yon nga, ibinigay kong lahat. Kung sa tingin nila, eh,  level-up na matatawag yon, sige po, level-up,” proud na pahayag ni Ejay.

Huling tinanong namin kay Ejay ay ang tungkol sa kanyang love life. Wala pa ba siyang balak mag-propose sa kasintahang si Jana Roxas?

“Busy pa ako sa Sandugo, eh. At saka, hindi pa naman po ganun. Ini-enjoy muna namin yung journey ng relasyon namin. At saka buhos po talaga ang oras ko ngayon dito sa Sandugo,” giit pa niya.

Magsisimula na ang Sandugo sa September 30 pagkatapos ng Kadenang Ginto sa hapon.