• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Joseph Marco handa sa butt exposure sa film pero may kondisyon

EXCLUSIVE: Joseph Marco handa sa butt exposure sa film pero may kondisyon

Joseph Marco, magseseryoso sa acting.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

9/26/2019 1:07 PM
EXCLUSIVE: Joseph Marco handa sa butt exposure sa film pero may kondisyon


Mixed emotions ang nararamdaman ng Kapamilya hunky actor na si Joseph Marco ngayong matatapos na ang afternoon ABS-CBN series na Los Bastardos.

“Oo, masayang malungkot kasi magtatapos na kami. Nakaka-miss yung samahan namin sa set, yung mga kalokohan namin nina Jake (Cuenca),” reaksyon ng binata.

Dahil din daw sa Los Bastardos ay nagkaroon siya ng love team – ang JoRitz -- na never niya raw na-imagine na mangyayari pa.

“Sabi ko nga sa yo dati di ba, nagulat ako na magkakaroon pa ako ng ka-love team, na kakagatin nila yung sa amin ni Ritz (Azul) at  susuportahan ng fans. Tapos soon, may gagawin pa kaming movie sa Regal, unexpected lahat, eh,” sabi pa ni Joseph.

Ibinahagi din ni Joseph na handa na siya ngayong tumanggap ng mga daring roles sa pelikula.

“Well, ngayon open na ako sa ganyan. For me kasi dapat tinatantya mo rin yung takbo ng career mo, eh. And at this point, I’m 30 years old, I think nagawa ko na rin naman yung karamihan and yes, I think dapat nasa next level na ako. I’m open to do anything,” paliwanag ng aktor.

Kaya lang, siyempre, meron daw kondisyon kung gagawa siya ng daring roles.

“Pero siyempre, dapat magustuhan ko rin yung script kahit na daring pa yan. Ayoko kasi na gumagawa ng project na half-hearted ako,” sey ulit niya.

Gaano ba siya magiging daring kung saka-sakali?

Sagot ni Joseph, “Siguro, dahan-dahanin natin. I can do butt exposure, I’m open to that. As long as alam ko naman na maipapalabas talaga.

“Kasi may mga kinukuhanan na hindi naman nagagamit, di ba, so what’s the point? Lalo pa dito sa atin, medyo conservative, may MTRCB, so kung ano yung maipapalabas handa akong gawin kahit daring pa yan.”

Ipinagmalaki rin ni Joseph na masayang-masaya siya ngayon sa takbo ng kanyang showbiz career.