Bela Padilla shares her ‘saddest day’

Mukhang may pinagdaanan si Bela Padilla kamakailan lang.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/26/2019 12:49 PM
Bela Padilla shares her ‘saddest day’


Photo credit: @bela IG

Palaisipan para sa marami at sa ilang netizens ang ginawang pagbabahgi ni Bela Padilla sa kanyang IG account ng itinuturing niyang “saddest day” niya na nangyari last June pa when she was in New York.

Makikita sa larawang ipinost ni Bela na malungkot siyang nakaupo sa bench habang kitang-kita naman sa likod niya ang Vessel (isa sa landmarks sa New York). Sa larawan ay makikita ring nakapikit ang mga mata ni Bela at tila may malalim na iniisip.

Ayon kay Bela sa caption na sinulat niya ay hindi niya raw alam na kinunan siya ng kanyang kaibigan nung time na yon. Noong bumalik na lang daw siya ng Pilipinas ay saka lang ito ipinakita sa kanya.

Post ni Bela, “This day in New York was particularly hard for me. June 6th. It changed me so drastically. This day was so bad that I couldn’t muster up enough energy to take photos in this tourist attraction like my friends were doing.

“Instead, I sat far from where everyone posed. The Vessel, stood behind me and yet I kept my eyes closed.

“A friend, Mark, sent me this picture when I was back in Manila. And today, I’m actually happy that he took a photo of me at my saddest,” unang bahagi ng post ni Bela.

Patuloy ng aktres, “I appreciate that at the worst of times, all I did was close my eyes and try to understand. That I didn’t turn into a person I wouldn’t want to face today.”

Nagbigay din ng mensahe ang aktres sa mga taong may pinagdadaanan na sana raw ay maging maayos din ang lahat katulad ng nangyari sa kanya.

Regarding her “saddest day” ay saka na lang daw niya ikukuwento kung bakit ito nangyari at kung ano ito.

“I’m sure you all have been through tough times. It took me a while to believe that it will get better. And if you’re going through something now, have faith. one day, I will tell the story of what happened on June 6, 2019,” huling bahagi ng kanyang post.