• Home
  • Fresh Scoops
  • Ogie Alcasid, nilinaw ang isyung nag-walk out sila sa ABS-CBN Ball ni Regine Velasquez

Ogie Alcasid, nilinaw ang isyung nag-walk out sila sa ABS-CBN Ball ni Regine Velasquez

Ogie Alcasid, binunyag kung bakit sila nawala ng asawang si Regine Velasquez sa ABS-CBN Ball.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

9/25/2019 2:33 PM
Ogie Alcasid, nilinaw ang isyung nag-walk out sila sa ABS-CBN Ball ni Regine Velasquez


Sa Tonight with Boy Abunda, masayang naka-kwentuhan ni King of Talk Boy Abunda ang nag-iisang singer-songwriter at Tawag ng Tanghalan Punong Hurado na si Ogie Alcasid.

Una nang inamin ni Ogie kung bakit iba ang tingin niya sa asawang si Regine Velasquez habang naglalakad sa red carpet ng katatapos lang na ABS-CBN Ball. “Alam mo of course maganda naman talaga ang asawa ko. Pero nung gabing yun, grabe ang ganda niya talaga. So mesmerized ako sa kagandahan niya,” aniya.

Pinaliwanag din niya ang issue ng pagwo-walk out daw nila ni Regine sa naturang ball. “Hindi naman literal na walk out. Nagsimula kami ng… ang tawag namin ay vlang,” kwento ni Ogie.

Ano naman kaya ang vlang? Ani Ogie, “Hindi vlog. Vlang kasi… video lang.”

Nagsimula daw ang idea na mag-vlang sila dahil sa mga pino-post ni Regine na mga kalokohan nila. “Si Regine kasi always posts sa instagram yung mga kalokohan namin. And we found na parang may interes yung tao sa hindi namin ginagawa sa entablado o sa TV, which is our not normal selves,” kwento pa ng singer-composer.

“Naisip namin the best way to launch the vlang is through the ball,” dagdag ni Ogie.

Kaya ang tema diumano ng first vlang nila ay “after-party vlang.” Ito daw ang dahilan kung bakit nawala sila sa ball. “So ang ginawa namin nag-date kami. Bumaba kami. Pinag-usapan namin yung mga best-dressed namin. Tapos we had a game. Just to introduce the vlangs, pero ang dami na naming na-shoot,” pagpapatuloy ng punong hurado.

Totoo rin daw na-disappoint siya sa ball dahil sa noong ia-announce na daw ni Billy Crawford ang couple of the night ay pumorma na siya. “So pumorma na ako, ‘tayo na yan,’ tapos in-announce si Richard (Gutierrez) saka si Sarah (Lahbati). So sabi ko, talaga lang ha, bakit hindi kami? So disappointed…” sabi niya.

Hindi na rin daw siya nag-file ng formal complaint dahil sa “baka hindi ako ma-renew e.”

Masaya din si Ogie na maka-double date noong gabing iyon ang anak na si Leila Alcasid at ang boyfriend nitong rapper na si Mito Fabie o mas kilala bilang Curtismith.

Gusto din daw niya si Curtismith para sa anak. “I do. I admire what he does. I think I like that dynamic that we all love music. Although their music is so different from mine, but we all basically talk the same language,” ani Ogie.

READ: Ogie Alcasid, ibinunyag ang one year anniversary ng anak na si Leila at kasintahan nitong si Curtismith

Willing din daw siyang maka-collab ang boyfriend ng anak.

READ: Ogie Alcasid defends fellow Tawag ng Tanghalan judges from bashers: ‘It affects us emotionally’

Magkakaroon ng concert si Ogie sa Resorts World, Ogie and The Hurados, kasama ang kapwa hurado sa It’s Showtime na sina Zsa Zsa Padilla, Randy Santiago, Karla Estrada, K Brosas, Karylle, Jed Madela, at Rey Valera October 10, 8 pm.