• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador, Geoff Eigenmann, bida sa bagong OFW-themed digital series na ‘Hinahanap-hanap Kita’

Maja Salvador, Geoff Eigenmann, bida sa bagong OFW-themed digital series na ‘Hinahanap-hanap Kita’

Bida ang ‘The Killer Bride’ stars na sina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, Pamu Pamorada, at Pepe Herrera sa bagong OFW-themed digital series na ‘Hinahanap-hanap Kita.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

9/25/2019 12:16 PM
Maja Salvador, Geoff Eigenmann, bida sa bagong OFW-themed digital series na ‘Hinahanap-hanap Kita’


Bida ang The Killer Bride cast members na sina Maja Salvador, Geoff Eigenmann, Pamu Pamorada, at Pepe Herrera sa bagong OFW-themed digital series na Hinahanap-hanap Kita. Sa kanilang guesting sa Magandang Buhay nitong Lunes,September 23, inanunsyo nila ang paglabas ng kanilang bagong proyekto.

"Ang kuwento ng Hinahanap-hanap Kita ay kuwento ng mga magbabarkada, high school friends kahit na pinaghiwalay ng tadhana, darating at darating ang panahon na magsasama-sama sila. May isa silang pangarap at natupad 'yon dahil may hinahanap yung isa sa aming magbabarkada," kuwento ni Maja, na gaganap bilang Helen na hinahanap ang kaniyang asawa sa Dubai.

Para sa isa pang cast member na si Hannah Ledesma, marami silang natutunan sa loob ng 10 to 12 days nilang pagshu-shoot sa ibang bansa.

"Bukod po sa pagta-trabaho nagkaroon po kami ng opportunity na makilala po yung mga kababayan natin do'n... In a sense, it's both work and a retreat," sabi ni Hannah.

Dagdag naman ni Pamu, bilang lumaki sa pamilya na may isang OFW, isang realization ang iniwan sa kaniya ng kaniyang experience sa paggawa ng naturang serye.

"Doon ko na-realize na grabe pala, sobrang blessed pala ako na ang nanay ko walang ibang inisip kundi magtrabaho para aming magkakapatid," kuwento ni Pamu.

Panoorin ang buong trailer dito:

Para sa selebrasyon ng ika-25 na taon ng TFC ang handog nilang original series. Mapapanood simula October 5 ang Hinahanap-hanap Kita sa TFC Online at iWant.