Jessy Mendiola, inamin na nawalan ng gana sa trabaho

Isa si Jessy Mendiola sa mga lead stars na aabangan sa Kapamilya series na “Sandugo”.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/25/2019 3:16 PM
Jessy Mendiola, inamin na nawalan ng gana sa trabaho


Photo credit: @senorita_jessy IG

Balik eksena ngayon sa telebisyon si Jessy Mendiola bilang isa sa mga aabangan sa Sandugo.

Sa naganap na media conference ng bagong Kapamilya program, masaya si Jessy na ibinahagi ang bagong pagkakataon sa ibinigay sa kanya ng ABS-CBN.

“Sobrang nanibago po ako,” tugon ni Jessy sa media.

Huling bumida si Jessy sa Kapamilya series na You’re My Home noong 2015 kasama si Richard Gomez at Dawn Zulueta. Kaya naman aminado rin siya na malaking adjustment ulit ang kanyang ginawa para sa pagbabalik-telebisyon.

“Sa totoo po niyan, hesitant po ako na mag-soap ulit, kasi nawala na ‘yung nakasanayan mo na nagte-taping ka palagi, tapos marami kang nakakatrabaho, kaya sobrang naninibago ako noong first few taping days ko,” aniya.

 

 

“Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa production kay direk, na break it to me gently, nagdahan-dahan kami. Pero they guided me, parang bumalik ang passion, bumalik ang excitement.”

Dahil sa natagalan sa pagtanggap ng shows, inilahad rin ni Jessy na nawalan siya ng passion sa pag-arte.

“‘Pag may mga pagkakataon na feeling mo hindi ka nabibigyan ng (chance), hindi ka na nagkakaroon ng passion and excitement so might as well, ‘wag ka nalang tumanggap. Kasi you won’t be able to give your one hundred percent, and unfair ‘yun sa mga ka-trabaho mo, sa boss mo, sa production,” sabi pa niya.

“Para sa akin po as long as long as it excites me, as long as I have something to prove myself to, gusto ko pong tumanggap ng maraming magkakaibang role po.”

Dito, nais na rin tuldukan ni Jessy ang mainit na usapin na paglisan niya sa Kapamilya network.

READ: EXCLUSIVE: Jessy Mendiola, pinaliwanag kung bakit umalis siya ng Star Magic

“I’m really thankful po na nabigayan ako ng role at nabigyan ako ng show. Marami na din pong show ang binibigay, pero ako na rin po ang nagsasabi na hindi din po ako ready and that would be really unfair for the people na nagbibigay sa akin ng trabaho,” pahayag pa niya.

Bukod sa “Sandugo”, bida rin si Jessy sa iWant original na Mga Mata Sa Dilim.