Elisse Joson, nais patunayan na kaya niyang mag-isa

Malaking hamon kay Elisse Joson ang kanyang bagong role sa teleseryeng ‘Sandugo’ dahil sasabak siya sa pag-arte bilang isang leading lady na walang ka-love team.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/25/2019 3:35 PM
Elisse Joson, nais patunayan na kaya niyang mag-isa


Photo credit: @elissejosonn IG

Isa si Elisse Joson sa mga bibida sa bagong Kapamilya teleserye na “Sandugo”.

Solo at walang ka-love team, kaya’t isang bagong hamon ang role na ito para sa aktres.

“I’m really thankful po kasi binibigyan nila ako ng chance, na pinagkakatiwalaan nila ako, and doon ako namo-motivate, na mas ma-inspire pa sa trabaho ko,” tugon ni Elisse sa press conference ng TV series.

Kung matatandaan, unang sumikat si Elisse sa tambalan nila ng dating ka love-team na si McCoy De Leon.

“Honestly mahirap po, pero na enjoy ko, marami po ako natutunan and I think ang haba pa po ng journey ko, but at least nakatuntong na ako sa step na, on the way, like to learning so much, and being able to stand up on my own,” sabi ng dalaga.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

@ajabrenica @senorita_jessy @elissejosonn @ejaythefalcon for #KapamilyaChat #Sandugo

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

 

Dito, binigyang linaw rin niya ang status ng kanyang pagiging malapit ngayon kay Jameson Blake.

“We’re really good friends, we go out with friends, we get to know each other but we’re friends,” aniya.

Malapit man ngayon, mas nais muna raw ng dalaga na magfocus sa kanyang sarili at  sariling karera bilang isang aktres.

“Nag-uusap naman po kami, na nakapag-open up ako, parang gusto ko muna ng break from heartache. Siyempre mahirap ulit pagdaanan ‘yung napagdaanan ko, ngayon po mas careful ako sa mga taong kinikilala ko,” aniya pa.

“Kailangan tignan mo rin e, kailangan may aspect na gusto niyo ba ang isa’t isa, siyempre kailangan niyo makita na compatible kayo.”

Bukod sa closeness nila ni Jameson, nagbigay pahayag rin si Elisse sa napabalitang masayang estado ni McCoy sa Kapamilya star din na si Miles Ocampo.

“Ako po nakakabalita lang rin ako sa fans ng love team namin noon, they’re heartbroken. Pero sinasabi ko nga po na ‘yung personal na buhay ng mga artista po basta masaya sila, masaya na rin po tayo para sa kanila,” sagot ni Elisse.

At kung tatanungin kung may komunikasyon pa rin ba sila ng dating ka love team sagot ni Elisse: “Wala po.”

Sa darating na Lunes, mapapanood ang Sandugo, na pangungunahan nina Aljur Abrenica at Ejay Falcon.